
Ang Bibliya sa sining
Ang Pagbati ng Anghel kay Maria
Hans Memling · ca. 1465–70
Sa likod ng dalawang nag-uusap ay may pulang kurtina at bintanang nakaharap sa mga gusali. Nakaluhod si Maria sa tabi ng bukás na aklat. Nakababa ang kanyang mga mata, ngunit nakaharap palabas ang palad niya na parang may sasabihin pa. Sa kaliwa, nakadantay sa dibdib ni Gabriel ang kamay, at nakatupi sa likod niya ang mga pakpak. Sa Lucas 1, dumating siya sa Nazaret upang sabihin kay Maria ang tungkol sa anak na tatawagin niyang Jesus. Sa tahimik na silid na pininta ni Hans Memling, kasya ang paghinto sa pagbabasa, ang pag-uusap, at ang munting puting bulaklak sa paanan ng patungan.
Talata ng Bibliya
Lucas 1:26–38 · ULB
- 1:26
Ngayon sa kaniyang ikaanim na buwan, ang anghel na si Gabriel ay inutusan ng Diyos sa isang lungsod sa Galilea na ang pangalan ay Nazaret,
- 1:27
sa isang birhen na nakatakdang ikasal sa lalaking nagngangalang Jose. Siya ay kabilang sa angkan ni David at ang pangalan ng birhen ay Maria.
- 1:28
Siya ay lumapit sa kaniya at sinabi, “Binabati kita, ikaw ay lubos na pinagpala! Ang Panginoon ay nasa iyo.”
- 1:29
Ngunit siya ay lubhang naguluhan sa kaniyang sinabi at siya ay namangha kung anong uri ng pagbati ito.
- 1:30
Sinabi ng anghel sa kaniya, “Huwag kang matakot, Maria, dahil ikaw ay nakatanggap ng biyaya sa Diyos.”
- 1:31
At makikita mo, ikaw ay magbubuntis sa iyong sinapupunan at magsisilang ng isang anak na lalaki. Tatawagin mo ang kaniyang pangalan na 'Jesus'.
- 1:32
Siya ay magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ang Panginoong Diyos ang magbibigay sa kaniya ng trono ng kaniyang ninunong si David.
- 1:33
Siya ay maghahari sa mga angkan ni Jacob magpakailanman, at walang katapusan ang kaniyang kaharian.”
- 1:34
Sinabi ni Maria sa anghel, “Paano mangyayari ito, yamang hindi pa naman ako nakitabi kasama ang sinumang lalaki?”
- 1:35
Sumagot ang anghel at sinabi sa kaniya, “Ang Banal na Espirito ay darating sa iyo, at ang kapangyarihan ng Kataas-taasan ay mapapasaiyo. Kaya ang banal na isisilang, ay tatawaging Anak ng Diyos.
- 1:36
At tingnan mo, ang iyong kamag-anak na si Elisabet ay nagbuntis din ng isang anak na lalaki sa kaniyang katandaan. Ito na ang kaniyang ikaanim na buwan, siya na tinawag na baog.
- 1:37
Sapagkat walang hindi kayang gawin ang Diyos.”
- 1:38
Sinabi ni Maria, “Tingnan mo, ako ay babaeng lingkod ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ayon sa iyong mensahe.” At iniwan na siya ng anghel.
