Tagalog
Menu

Mga talata sa Bibliya tungkol sa kababaang-loob

Ikaw ang may pinakamahabang karanasan sa grupo, pero baka ang bagong kasali ang unang nakakita sa problemang matagal mo nang hindi napapansin. Nangangailangan ng kababaang-loob ang pagtanggap sa puna, paghingi ng tulong at pagbibigay ng puwang sa iba. May mga talata rito tungkol sa pagkatuto, kahinahunan at paglapit sa Diyos nang may tapat na pagtingin sa sarili. Puwede mong basahin ang mga ito bago ang usapang kailangan mong pakinggan nang mabuti, lalo na kung sanay kang ikaw ang nagbibigay ng payo.

Banal na BibliyaCC BY-SA 4.0Tagalog Unlocked Literal Bible © 2018 Door43 World Missions Community. La redistribución de este corpus conserva la licencia CC BY-SA 4.0.

  1. Ang gantimpala sa pagpapakumbaba at takot kay Yahweh ay kayamanan, karangalan at buhay.

    Mga Kawikaan 22:4Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  2. Kapag dumating ang pagmamataas, saka dumarating ang kahihiyan, pero sa kapakumbabaan dumarating ang karunungan.

    Mga Kawikaan 11:2Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  3. Magpakumbaba kayo sa harap ng Panginoon, at kayo ay kaniyang itataas.

    Santiago 4:10Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  4. Sinabi niya sa inyo, tao, kung ano ang mabuti at kung ano ang nais ni Yahweh mula sa iyo: Kumilos ng makatarungan, umibig na may kabaitan at lumakad na may pagpapakumbaba kasama ang inyong Diyos.

    Mikas 6:8Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawanKahulugan
  5. Mamuhay kayo nang may buong pagpapakumbaba at pagkamahinahon at katiyagaan. Tanggapin ninyo nang may pagmamahal ang bawat isa.

    Efeso 4:2Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  6. Sa panahong iyon kung ang aking mga tao na tinawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpapakumbaba, mananalangin, hahanapin ako, at tatalikod sa kanilang masasamang gawain, makikikiibig ako mula sa langit, patatawarin ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.

    2 Mga Cronica 7:14Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  7. Kaya nga maging mapagpakumbaba kayo sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Diyos upang kayo ay itaas niya sa tamang panahon.

    1 Pedro 5:6Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  8. Bago ang kaniyang pagbagsak, ang puso ng tao ay mapagmataas, pero ang kababaang-loob ay nauuna bago ang karangalan.

    Mga Kawikaan 18:12Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  9. Ang takot kay Yahweh ay nagtuturo ng karunungan, at ang pagpapakumbaba ay nauuna bago ang karangalan.

    Mga Kawikaan 15:33Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  10. Gayon din, kayong mga nakababatang kalalakihan, magpasakop kayo sa mga nakatatandang kalalakihan. Kayong lahat, damitan ninyo ang inyong sarili ng kababaang-loob at maglingkod kayo sa isa't isa sapagkat pinipigilan ng Diyos ang mga mapagmataas, pero binibigyan niya ng biyaya ang mga mapagpakumbaba.

    1 Pedro 5:5Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  11. Huwag kayong gumawa ng kahit na ano dahil sa kasakiman o walang saysay na pagmamataas. Sa halip ay ituring ninyo nang may kababaang-loob ang iba na higit kaysa sa inyong sarili.

    Filipos 2:3Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  12. Ngunit ang Diyos ay nagbibigay ng mas higit na biyaya, kaya't sinasabi ng kasulatan na “Ang Diyos ay sumasalungat sa mapagmataas, ngunit nagbibigay ng biyaya sa mapagpakumbaba.”

    Santiago 4:6Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  13. Magkaisa kayo ng pag-iisip. Huwag mag-isip sa mga paraang mapagmataas, ngunit tanggapin ang mga mabababang tao. Huwag maging marunong sa inyong mga sariling isipan.

    Roma 12:16Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  14. Dahil nasisiyahan si Yahweh sa kaniyang bayan; dinadakila niya ang mapagkumbaba ng kaligtasan.

    Mga Awit 149:4Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  15. Ang pagmamataas ng isang tao ay ang magdadala sa kaniya pababa, pero ang siyang may mapagpakumbabang kalooban ay bibigyan nang karangalan.

    Mga Kawikaan 29:23Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  16. Sapagkat ang bawat nagmamataas ay maibababa at siya na nagpapakababa ay maitataas.

    Lucas 14:11Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  17. Sino sa inyo ang marunong at nakakaunawa? Hayaan ang taong iyan na ipakita ang kaniyang magandang buhay sa pamamagitan ng kaniyang mga gawa sa kapakumbabaan na nagmumula sa karunungan.

    Santiago 3:13Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  18. Siya ay dapat maitaas, subalit ako ay dapat maibaba.

    Juan 3:30Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  19. Sapagkat, dahil sa biyayang ibinigay sa akin, sinasabi ko na ang bawat isa sa inyo ay huwag mag-isip na mas mataas ang inyong sarili kaysa sa nararapat ninyong isipin. Sa halip, dapat kayong mag-isip ng may karunungan, ayon sa sukat ng pananampalataya na ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa.

    Roma 12:3Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  20. Kinukutya niya ang mga nangungutya, ngunit ibinibigay niya ang kaniyang pabor sa mga taong may mababang loob.

    Mga Kawikaan 3:34Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  21. Pinapatnubayan niya ang mapagpakumbaba na may katarungan at itinuturo niya ang kanyang daan sa mga mapagpakumbaba.

    Mga Awit 25:9Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  22. Pinili ng Diyos kung ano ang mabababa at hinamak sa mundo. Pinili nga niya ang mga bagay na itinuring na walang kabuluhan, upang mawalang kabuluhan ang mga bagay na pinanghahawakang mahalaga. Ginawa niya ito upang walang sinuman ang may dahilan upang magyabang sa harapan niya.

    1 Corinto 1:28–29Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  23. Dalhin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa akin sapagkat ako ay mahinahon at may mapagpakumbabang puso at makakamit ninyo ang kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa. Sapagkat madali ang aking pamatok at ang aking pasanin ay magaan.”

    Mateo 11:29–30Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  24. Ngayon, ako, si Nebucadnezar ay nagpupuri, nagbubunyi, at nagpaparangal sa Hari ng langit, sapagkat matuwid ang lahat ng kaniyang mga gawa, at makatarungan ang kaniyang mga pamamaraan. Kaya niyang ibaba ang mga namumuhay sa kanilang sariling kapalaluan.

    Daniel 4:37Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan

Mga karaniwang tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa kababaang-loob?

Sa Mikas 6:8, magkakasama ang pagkilos nang makatarungan, pagmamahal sa kabutihan at mapagpakumbabang paglakad kasama ng Diyos. Puwede mong pagnilayan ang ugnayan ng tatlo sa pakikitungo mo sa mga tao. Halimbawa, isipin kung paano ka makikinig sa taong karaniwang hindi napapakinggan bago kayo gumawa ng pasya.

Anong talata ang babasahin kapag mahirap tumanggap ng puna?

Sa Mga Kawikaan 11:2, pinagtatabi ang pagmamataas at ang karunungang nauugnay sa pagpapakumbaba. Maaaring balikan ito kapag napansin mong nauuna ang pagtatanggol sa sarili sa pakikinig. Hilingin sa nagbigay ng puna na banggitin ang isang tiyak na halimbawa para mas maunawaan mo kung saan ka puwedeng matuto.

Ano ang kaugnayan ng kababaang-loob at pagtitiis sa kapwa?

Sa Efeso 4:2, inilalapit ni Pablo ang kababaang-loob sa kahinahunan at pagtitiis sa isa't isa. Sa isang pagtatalo, maaari mong isabuhay ito sa pamamagitan ng pagtiyak na tama ang pagkaunawa mo sa kabilang panig. Kapag nagsalita ka, banggitin kung saan ka may duda at kung ano ang napansin mo.

Isang eksenang bibliya sa sining

Ang Pagbati ng Anghel kay Maria — Hans Memling. Sa likod ng dalawang nag-uusap ay may pulang kurtina at bintanang nakaharap sa mga gusali.
Lucas 1:26–38
Ang Pagbati ng Anghel kay MariaHans Memling · The Metropolitan Museum of Art