Mga talata sa Bibliya tungkol sa pananampalataya
Iba ang manalig kapag malinaw ang direksiyon at kapag ginagawa mo pa lang ang unang hakbang. Baka may tanong kang matagal nang gustong sabihin, o baka ngayon ka pa lang muling nagbabasa ng Bibliya matapos ang mahabang pagitan. Ang mga sipi rito ay tungkol sa pananampalatayang nahuhubog sa pakikinig, panalangin at pagharap sa mga bagay na hindi pa nakikita. May maiikling talata para sa tahimik na pagbasa at may buong siping puwedeng himayin kasama ng kaibigan.
Banal na BibliyaCC BY-SA 4.0Tagalog Unlocked Literal Bible © 2018 Door43 World Missions Community. La redistribución de este corpus conserva la licencia CC BY-SA 4.0.
Kung walang pananampalataya hindi maaaring bigyan ng kaluguran ang Diyos, at ang sino man na lalapit sa Diyos ay kinakailangang manalig na siya ay umiiral at gagantimpalan niya ang sino man na humahanap sa kaniya.
Mga Hebreo 11:6Banal na Bibliya Lahat ng hihilingin ninyo sa panalangin na may paniniwala, matatanggap ninyo.”
Mateo 21:22Banal na Bibliya Kaya ang pananampalataya ay nanggagaling sa pakikinig, at pakikinig sa salita ni Cristo.
Roma 10:17Banal na Bibliya Ngayon ang pananampalataya ay ang katiyakan ng sino man kung siya ay nagtitiwalang naghihintay sa isang bagay. Ito ang katiyakan tungkol sa hindi pa nakita.
Mga Hebreo 11:1Banal na Bibliya Sinagot sila ni Jesus, “Manampalataya kayo sa Diyos. Totoo itong sinasabi ko sa inyo na kung sinuman ang magsasabi sa bundok na ito na, ''Mapataas ka at ihagais mo ang iyong sarili sa dagat,' at kung hindi siya magdududa sa kaniyang puso ngunit naniniwala siyang mangyayari ang sinabi niya, iyon ang gagawin ng Diyos. Kaya sinasabi ko ito sa inyo: Ang lahat ng inyong ipapanalangin at hinihiling, maniwala kayong natanggap na ninyo, at ito ay mapapasa-inyo.
Marcos 11:22–24Banal na Bibliya Sapagkat lumalakad tayo sa pamamagitan ng pananampalataya at hindi sa mga bagay na nakikita.
2 Corinto 5:7Banal na Bibliya Sapagkat sa biyaya kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya. At hindi ito nagmula sa amin, kaloob ito ng Diyos. Hindi ito dahil sa mga gawa. Bilang resulta, walang sinuman ang maaaring magmalaki.
Efeso 2:8–9Banal na Bibliya Magtiwala kay Yahweh ng buong puso at huwag umasa sa sarili mong pang-unawa; sa lahat ng iyong ginagawa ay kilalanin siya at gagawin niyang matuwid ang iyong mga landas.
Mga Kawikaan 3:5–6Banal na Bibliya Naniniwala ka na ang Diyos ay iisa; tama ka. Ngunit ang mga demonyo ay naniniwala rin at nanginginig.
Santiago 2:19Banal na Bibliya upang ang inyong pananampalataya ay hindi sa karunungan ng mga tao, kundi sa kapangyarihan ng Diyos.
1 Corinto 2:5Banal na Bibliya Dahil labis na inibig ng Diyos ang sangkatauhan, ibinigay niya ang kaniyang natatangi at nag-iisang Anak upang ang sinumang manalig sa kaniya ay hindi mamatay ngunit magkakaroon ng buhay na walang hanggan.
Juan 3:16Banal na Bibliya Sinabi ni Jesus sa kanila, “Dahil maliit ang inyong pananampalataya. Sapagkat katotohanang sinasabi ko sa inyo, kung mayroon kayong pananampalataya na kasinliit ng buto ng mustasa, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, 'Lumipat ka roon,' at lilipat nga ito at walang magiging imposible sa inyo.
Mateo 17:20Banal na Bibliya Magagawa ko ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan niya na nagpapalakas sa akin.
Filipos 4:13Banal na Bibliya Naipako na ako sa krus kasama ni Cristo. Hindi na ako ang nabubuhay, ngunit si Cristo na ang nabubuhay sa akin, at ang buhay ngayon na aking ikinabubuhay sa laman, ay ikinabubuhay ko sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos, na nagmamahal sa akin at nagbigay ng kaniyang sarili para sa akin.
Galacia 2:20Banal na Bibliya Maging mapagmatiyag, at maging matatag sa pananampalataya, kumilos gaya ng mga lalaki, maging malakas.
1 Corinto 16:13Banal na Bibliya Ngunit kung sinuman sa inyo ay nangangailangan ng karunungan, hingin ninyo ito sa Diyos, ang mapagbigay at walang panunumbat sa lahat ng humihingi, at tutugunin niya ito. Ngunit humingi nang may pananampalataya, nang walang pag-aalinlangan, sapagkat ang nagdadalawang isip ay katulad ng alon sa dagat, na tinatangay ng hangin, kung saan. Sapagkat ang taong iyon ay hindi dapat mag-isip na matatanggap niya ang kaniyang kahilingan sa Panginoon, ang ganitong tao ay dalawa ang pag-iisip at pabagu-bago sa lahat ng kaniyang ginagawa.
Santiago 1:5–8Banal na Bibliya Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan mo ang aming pananampalataya.”
Lucas 17:5Banal na Bibliya Ang sinumang ipinanganak sa Diyos ay napagtagumpayan ang mundo. At ito ang pagwawagi na napagtagumpayan ng mundo, kahit ang ating pananampalataya.
1 Juan 5:4Banal na Bibliya Nakipaglaban ako ng mabuti sa paligsahan, natapos ko ang aking takbuhin, napanatili ko ang pananampalataya.
2 Timoteo 4:7Banal na Bibliya Nakita ninyo na sa pamamagitan ng mga gawa ang tao ay mapapa-walang sala, at hindi sa pananampalataya lamang.
Santiago 2:24Banal na Bibliya Sapagkat dito ang katuwiran ng Diyos ay naihahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya, gaya ng nasusulat, “Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.”
Roma 1:17Banal na Bibliya Sa ganuon ding pamamaraan ang pananampalataya lang, kung hindi ito nagtataglay ng mga gawa, ay patay.
Santiago 2:17Banal na Bibliya Ngayon nawa ang Diyos ng pagtitiwala ay punuin kayo ng buong kagalakan at kapayapaan sa inyong paniniwala, upang kayo ay managana sa pagtitiwala sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
Roma 15:13Banal na Bibliya
Mga karaniwang tanong
Ano ang pananampalataya ayon sa Bibliya?
Sa Mga Hebreo 11:1, tumitingin ang sumulat sa kaugnayan ng pananampalataya sa inaasahan at sa mga bagay na hindi nakikita. Ang kasunod na mga kuwento ay nagbibigay ng mukha sa paliwanag na iyon. Puwede mong basahin ang isa sa mga kuwento at pansinin kung anong desisyon ang kinailangang gawin ng taong binanggit.
Paano lumalago ang pananampalataya ayon sa Bibliya?
Sa Roma 10:17, iniuugnay ni Pablo ang pananampalataya sa pakikinig sa mensahe tungkol kay Cristo. Maaaring magsimula sa pakikinig sa isang talatang binabasa nang malakas at pagbabalik sa bahaging hindi malinaw sa iyo. Kung may kasama ka, pag-usapan kung ano ang parehong napansin at kung saan kayo may tanong.
Ano ang ibig sabihin ng paglakad sa pananampalataya?
Sa 2 Corinto 5:7, ginagamit ni Pablo ang paglakad bilang larawan ng pamumuhay sa pananampalataya. Kapag binasa kasama ng mga kalapit na talata, makikita kung bakit niya iniuugnay ito sa pag-asa. Pagnilayan kung anong maliit na pagpili sa araw mo ang may kaugnayan sa pinaniniwalaan mo.
Isang eksenang bibliya sa sining

