Filipos 4
Banal na Bibliya · CC BY-SA 4.0 Tagalog Unlocked Literal Bible © 2018 Door43 World Missions Community. La redistribución de este corpus conserva la licencia CC BY-SA 4.0.
-
1
Kaya nga, minamahal kong mga kapatid na aking kinasasabikan, aking kagalakan at korona. Sa paraang ito, manatili kayong matatag sa Panginoon, mga minamahal kong kaibigan.
-
2
Nagsusumamo ako kay Euodia, at kay Sintique na magkaroon ng parehong pag-iisip sa Panginoon.
-
3
Katunayan, hinihiling ko rin sa iyo, tunay kong kamanggagawa, tulungan mo ang mga babaeng ito. Sapagkat sila ang kasama kong nagsikap sa pagpapalaganap ng ebanghelyo kasama si Clemente at iba pang mga kapwa ko manggagawa, kung saan ang mga pangalan ay nasa aklat ng buhay.
- 4
-
5
Hayaan ninyong makita ng lahat ng tao ang inyong kahinahunan. Malapit lamang ang Panginoon.
-
6
Huwag mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hayaan ninyong malaman ng Panginoon ang inyong mga kahilingan sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.
Mga kaugnay na paksa · Pag-aalala, Takot, Kalungkutan sa pag-iisa, Bigat ng araw-araw, Pamamahinga, Mahimbing na tulog, Mga pagsubok, Kapayapaan, Pagtitiwala sa Diyos, Pasasalamat, Pagtitiis, Pagpapasya, Panalangin, Pagtugon sa pangangailangan, Umaga, Bagong Taon, Pagbibigay-pasasalamat, Mga maysakit, Pagbibigay-pasasalamat -
7
At ang kapayapaan ng Diyos na humihigit sa lahat ng pang-unawa, ang mag-iingat sa inyong mga puso at isipan kay Cristo Jesus.
Mga kaugnay na paksa · Pag-aalala, Kalungkutan sa pag-iisa, Pamamahinga, Mahimbing na tulog, Mga pagsubok, Kapayapaan, Pagtitiwala sa Diyos, Pasasalamat, Pagpapasya, Umaga, Mga pagpapala, Mga maysakit -
8
Sa wakas, mga kapatid, anumang mga bagay na totoo, marangal, makatarungan, dalisay, kaibig-ibig, may mabuting ulat, kung may mga bagay na mahusay at dapat papurihan, isipin ang mga bagay na ito.
Mga kaugnay na paksa · Pagiging tapat, Paninindigan sa tama, Katotohanan, Pagpapalakas ng loob ng kapwa -
9
Ang mga bagay na natutunan at natanggap ninyo, narinig at nakita ninyo sa akin, gawin ang mga bagay na ito. Gawin ninyo ang mga bagay na inyong natutunan, natanggap, narinig at nakita sa akin. At sasainyo ang Diyos ng kapayapaan.
Mga kaugnay na paksa · Kapayapaan, Pagiging tapat -
10
Lubos akong nagagalak sa Panginoon dahil sa wakas ay binago ninyo ang inyong pagpapahalaga para sa akin. Bagama't pinahalagahan ninyo ako noon ngunit wala kayong pagkakataon para tumulong.
-
11
Hindi ko sinasabi ang mga ito para sa aking mga pangangailangan. Sapagkat natutunan ko ang masiyahan sa lahat ng pangyayari.
Mga kaugnay na paksa · Pagtugon sa pangangailangan, Kasiyahan sa kung ano ang mayroon -
12
Alam ko kung paano mangailangan at alam ko rin kung paano magkaroon ng kasaganaan. Sa lahat ng paraan at sa lahat ng bagay, natutunan ko ang lihim kung paano parehong kumain ng marami at magutom, paano parehong managana at mangailangan.
Mga kaugnay na paksa · Pagtugon sa pangangailangan, Kasiyahan sa kung ano ang mayroon -
13
Magagawa ko ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan niya na nagpapalakas sa akin.
-
14
Gayunpaman, ginawa ninyo ang mabuti sa pakikibahagi sa aking mga paghihirap.
-
15
At alam ninyo, kayong mga taga-Filipos, na sa simula ng ebanghelyo, nang umalis ako sa Macedonia, walang iglesya ang tumulong sa akin sa bagay ng pagbibigay at pagtatanggap maliban sa inyo lamang.
-
16
Kahit nang ako ay nasa Tesalonica, nagpadala kayo ng tulong para sa aking mga pangangailangan ng higit sa isang beses.
-
17
Hindi sa hinahanap ko ang kaloob. Sa halip, hinahanap ko ang bunga na nagpapataas ng inyong halaga.
-
18
Nakatanggap at nagkaroon ako ng lahat bagay. Napuno ako. Natanggap ko mula kay Epafroditus ang mga bagay na galing sa inyo. Ang mga ito ay mababangong samyo, katanggap-tanggap at kalugod-lugod na handog sa Diyos.
-
19
At ang aking Diyos ang magpupuno ng inyong mga pangangailangan ayon sa kaniyang mga kayamanan at kaluwalhatian kay Cristo Jesus.
Mga kaugnay na paksa · Pera at kabuhayan, Utang, Pagtugon sa pangangailangan, Kasiyahan sa kung ano ang mayroon, Mga pangako ng Diyos, Mga pagpapala, Mga maysakit -
20
Ngayon, nawa'y sa ating Diyos at Ama ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen.
Mga kaugnay na paksa · Pagpupuri -
21
Batiin ninyo ang bawat mananampalataya kay Cristo Jesus. Binabati kayo ng mga kasamahan kong mananampalataya.
-
22
Binabati kayo ng lahat ng mananampalataya dito, lalo na ang mga nasa sambahayan ni Ceasar.
-
23
Sumainyo nawa ang biyaya ng Panginoong Jesu-Cristo.
