Tagalog
Menu

Mga talata sa Bibliya tungkol sa kasiyahan sa kung ano ang mayroon

Tapos mo nang palitan ang nasirang gamit, pero ilang araw lang ay may bago ka na namang gustong bilhin. Sa ibang panahon, napapaisip ka kung puwedeng makuntento kahit may pangangailangang hindi pa natutugunan. Pinag-uusapan sa mga siping ito ang pagkilala sa sapat, ang pamumuhay sa iba't ibang kalagayan at ang mga bagay na nagbibigay ng halaga sa buhay. Maaari mong basahin ang mga ito habang nagpapasiya kung ano ang talagang kailangan mo at ano ang nakasanayan mo lang hanapin kapag may puwang sa araw.

Banal na BibliyaCC BY-SA 4.0Tagalog Unlocked Literal Bible © 2018 Door43 World Missions Community. La redistribución de este corpus conserva la licencia CC BY-SA 4.0.

  1. Dapat ang paraan ng inyong pamumuhay ay maging malaya mula sa labis na pagmamahal sa pera. Masiyahan sa mga bagay na mayroon kayo, sapagkat sinabi mismo ng Diyos,” Hindi kita iiwan ni pababayaan man.”

    Mga Hebreo 13:5Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawanKahulugan
  2. Hindi ko sinasabi ang mga ito para sa aking mga pangangailangan. Sapagkat natutunan ko ang masiyahan sa lahat ng pangyayari. Alam ko kung paano mangailangan at alam ko rin kung paano magkaroon ng kasaganaan. Sa lahat ng paraan at sa lahat ng bagay, natutunan ko ang lihim kung paano parehong kumain ng marami at magutom, paano parehong managana at mangailangan. Magagawa ko ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan niya na nagpapalakas sa akin.

    Filipos 4:11–13Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  3. Ngayon ang pagiging maka-diyos na may kapanatagan ay may malaking pakinabang. Sapagkat wala tayong dinalang anuman dito sa mundo. wala rin tayong madadala na anumang bagay. Sa halip, masiyahan tayo sa pagkain at pananamit.

    1 Timoteo 6:6–8Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  4. At sinabi niya sa kanila, “Mag-ingat na kayo ay hindi masakop ng lahat ng kasakimang pagnanasa, dahil ang buhay ng isang tao ay hindi batay sa kasaganaan ng kaniyang mga ari-arian.”

    Lucas 12:15Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  5. Sapagkat hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian at ang kaniyang katuwiran at ang lahat na ito ay maibibigay sa inyo.

    Mateo 6:33Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawanKahulugan
  6. At ang aking Diyos ang magpupuno ng inyong mga pangangailangan ayon sa kaniyang mga kayamanan at kaluwalhatian kay Cristo Jesus.

    Filipos 4:19Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  7. Nanatili sa iyo ang kaisipan, pananatalihin mo siya sa ganap na kapayapaan, dahil nagtitiwala siya sa iyo.

    Isaias 26:3Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawanKahulugan
  8. Magtiwala ka kay Yahweh at gawin kung ano ang matuwid; tumira ka sa lupain at gawin mong tungkulin ang katapatan. Pagkatapos hanapin mo ang kaligayahan kay Yahweh, at ibibigay niya sa iyo ang mga naisin ng iyong puso. Ibigay mo ang iyong pamamaraan kay Yahweh; magtiwala ka sa kaniya, at siya ang kikilos para sa iyo.

    Mga Awit 37:3–5Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  9. Hayaan na lamang na ang bawat isa ay mamuhay sa buhay na itinalaga ng Panginoon sa kanila, gaya ng pagkatawag ng Diyos sa bawat isa. Ito ang aking panuntunan sa lahat ng iglesia.

    1 Corinto 7:17Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  10. Ngayon sasabihin ko sa inyo, huwag kayong mabalisa sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakainin o ang inyong iinumin—o tungkol sa inyong katawan, kung ano ang inyong isusuot. Sapagkat hindi ba mas higit ang buhay kaysa sa pagkain, at ang katawan kaysa sa mga damit?

    Mateo 6:25Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  11. Mabuti pa ang may kakaunti nang nasa tama, kaysa sa malaking kita na may kaakibat na kawalan ng katarungan.

    Mga Kawikaan 16:8Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  12. Magtiwala kay Yahweh ng buong puso at huwag umasa sa sarili mong pang-unawa;

    Mga Kawikaan 3:5Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawanKahulugan
  13. Huwag kayong mag-ipon ng mga kayamanan para sa inyong sarili dito sa lupa, kung saan sisirain ng tanga at kalawang, at kung saan papasukin at nanakawin ng mga magnanakaw. Sa halip, mag-ipon para sa inyong sarili ng mga kayamanan sa langit, kung saan maging mga tanga ni kalawang ay di kayang sirain, at kung saan ang mga magnanakaw ay di kayang pasukin at nakawin. Sapagkat kung saan naroon ang iyong kayamanan, naroon din ang iyong puso. Ang mata ay ang ilaw ng katawan. Kaya kung mabuti ang inyong mata, mapupuno ng liwanag ang buong katawan. Ngunit kung masama ang inyong mata, ang inyong buong katawan ay puno ng kadiliman. Kaya kung ang liwanag na nasa inyo ay pawang kadiliman, napakatindi ng kadilimang iyon! Walang sinuman ang maaaring maglingkod sa dalawang amo, sapagkat kakamuhian niya ang isa at mamahalin ang isa, o di kaya tapat siya sa isa at hahamakin ang isa. Hindi ninyo maaaring paglingkuran ang Diyos at ang kayamanan.

    Mateo 6:19–24Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  14. Ilayo mo sa akin ang kayabangan at kasinungalingan. Bigyan mo ako ng hindi kahirapan ni kayamanan, bigyan mo lamang ako ng pagkain na aking kailangan. Dahil kung mayroon akong labis, itatanggi kita at sasabihin, “Sino si Yahweh?” O kung ako ay magiging mahirap, magnanakaw ako at lalapastanganin ko ang pangalan ng aking Diyos.

    Mga Kawikaan 30:8–9Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  15. Ang taong sakim ay lumilikha nang away, ngunit ang isa na nagtitiwala kay Yahweh ay magtatagumpay.

    Mga Kawikaan 28:25Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  16. Si Yahweh ang aking pastol; hindi ako magkukulang.

    Mga Awit 23:1Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawanKahulugan
  17. Sapagkat ang pag-ibig sa pera ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan. Ang ilang mga taong nagnais nito ay nailigaw sa kanilang pananampalataya at tinutusok nila ang kanilang sarili nang labis na kapighatian. Ngunit ikaw, na lingkod ng Diyos, layuan mo ang mga bagay na ito. Sikapin mo ang katuwiran, pagiging maka-diyos, katapatan, pag-ibig, pagtitiis, at kahinahunan,

    1 Timoteo 6:10–11Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  18. Ito ang araw na kumilos si Yahweh; tayo ay magalak at magsaya.

    Mga Awit 118:24Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  19. at ang bawat isa ay dapat kumain at uminom, at dapat maunawaan kung paano matuwa sa kabutihang nagmumula sa lahat ng kanyang ginawa. Ito ay isang kaloob mula sa Diyos.

    Mangangaral 3:13Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  20. Mas mabuti ang kaunti na mayroon ang matuwid kaysa sa kasaganahan ng masasama.

    Mga Awit 37:16Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  21. Sabihin mo sa mayayaman sa mundong ito na huwag magmataas, at huwag umasa sa kayamanan, na walang katiyakan. Sa halip, dapat silang umasa sa Diyos. Na nagkakaloob sa atin ng tunay na kayamanan upang ikagalak. Sabihin mo sa kanila na gumawa ng mabuti, at magpakayaman sa mabubuting mga gawa, maging mapagbigay, at handang mamahagi. Sa paraang iyan, sila ay mag-iipon para sa kanilang sarili ng mabuting pundasyon sa kung anong darating, upang makamit nila ang tunay na buhay.

    1 Timoteo 6:17–19Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  22. Mas mainam sa isang dukha na lumakad sa kaniyang katapatan, kaysa sa isang mayaman na baluktot sa kaniyang mga paraan.

    Mga Kawikaan 28:6Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  23. Tinuturo mo sa akin ang landas ng buhay; nag-uumapaw na kagalakan ay nananahan sa iyong piling; labis na tuwa ay nananatili sa iyong kanang kamay magpakailanman!

    Mga Awit 16:11Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  24. Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay nagbibigay ng buhay; ang gumagawa nito ay masisiyahan at ligtas sa kapahamakan.

    Mga Kawikaan 19:23Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan

Mga karaniwang tanong

Saan sinabi ni Pablo na natuto siyang makuntento?

Sa Filipos 4:11-13, ikinukuwento ni Pablo ang pagkatutong mamuhay kapwa sa kasaganaan at sa kakulangan. Maaari mong ihambing ang dalawang panahong pinagdaanan mo at pansinin kung anong tulong ang mahalaga sa pareho. Baka maalala mo ang isang taong palaging naglalaan ng oras kahit magkaiba ang kalagayan ninyo.

Ano ang sinasabi ni Jesus tungkol sa mga ari-arian?

Sa Lucas 12:15, nagbababala si Jesus tungkol sa kasakiman at sa pagsukat ng buhay ayon sa pag-aari. Kapag may gustong bilhin, maaari mong itanong kung anong pangangailangan ang inaasahan mong sasagutin nito. Kung ang hinahanap mo ay oras o pakikisama, may iba pang paraang maaaring mas tumugon doon.

Ano ang Bible verse tungkol sa pagiging kuntento sa payak na buhay?

Sa 1 Timoteo 6:6-8, inuugnay ang kasiyahan sa pagkilala sa mga pangunahing pangangailangan. Habang nagbabasa, isipin kung ano ang nagbibigay ng kapanatagan sa isang ordinaryong araw, tulad ng pagkain at lugar na mapagpapahingahan. Puwede mong ipagpasalamat ang mga iyon habang malinaw pa ring kinikilala ang kulang sa iyo.