
Ang Bibliya sa sining
Nagpakita si Kristo kay Maria Magdalena bilang hardinero
Lucas van Leyden · 1519
Malapad ang sombrero ng lalaking nakatayo sa kaliwa. Nakaunat ang kanyang kamay sa tabi ng nakatalukbong na si Maria Magdalena, na nakayuko ang mukha at may hawak na sisidlan. Sa pagitan at sa likuran nila ay may mga bato, puno at mga hugis na halos matunaw sa layo. Sa Juan 20, ang una niyang nakita sa lalaking nasa tabi ng libingan ay isang hardinero. Nang tawagin siya nito sa pangalan, saka niya nakilalang si Jesus pala iyon. Ginawang kapani-paniwala ni Lucas van Leyden ang unang pagkakamali sa pamamagitan ng payak na kasuutan. Nakakatulong ang sombrero upang manatili sa larawan ang sandaling hindi pa buo ang pagkilala.
Talata ng Bibliya
Juan 20:11–18 · ULB
- 20:11
Gayunpaman si Maria ay nakatayo sa labas ng libingan na tumatangis; habang siya ay umiiyak, yumuko siya at tumingin sa loob ng libingan.
- 20:12
Nakita niya ang dalawang anghel na nakaputing kasuotan na nakaupo, isa sa may ulunan, at ang isa sa may paanan, kung saan ang katawan ni Jesus ay inihiga.
- 20:13
Sinabi nila sa kaniya, “Babae, bakit ka tumatangis?” Sinabi niya sa kanila, “ Dahil kinuha nila ang aking Panginoon at hindi ko alam kung saan nila siya inilagay.
- 20:14
Nang sinabi niya ito, napalingon siya at nakitang nakatayo doon si Jesus, ngunit hindi niya alam na ito ay si Jesus.
- 20:15
Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Babae, bakit ka tumatangis? “Sino ang hinahanap mo?” Akala niya na siya ang hardinero kaya sinabi niya sa kaniya, “Ginoo, kung kinuha ninyo siya, sabihin ninyo kung saan ninyo siya inilagay at kukunin ko siya.”
- 20:16
Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Maria!” Iniharap niya ang kaniyang sarili, at sinabi sa kaniya sa Aramaic, “Rabboni,” ibig sabihin “Guro.”
- 20:17
Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Huwag mo akong hawakan, dahil hindi pa ako nakakaakyat sa Ama; ngunit pumunta ka sa aking mga kapatid at sabihin sa kanila na aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Diyos at inyong Diyos”.
- 20:18
Pumunta si Maria Magdalena at sinabi sa mga alagad, “Nakita ko ang Panginoon,” at sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito sa kaniya.
