
Ang Bibliya sa sining
Hinugasan ni Kristo ang mga paa ng kanyang mga alagad
Antonio Fantuzzi · 1540–45
Sa sahig, sa harap ng nakahandang hapunan, nakaluhod si Jesus sa tabi ng palanggana. Hawak niya ang paa ng taong nakaupo. Sa magkabilang dulo ng pangkat, may iba pang nakayuko sa sarili nilang mga paa, habang ang mga nasa gitna ay halos magkapatong na sa pagsilip. Sa Juan 13, tumayo si Jesus mula sa hapag, nagbigkis ng tuwalya at naghugas ng paa. Nagtaka si Pedro at tumutol muna bago siya nakinig. Sa ukit ni Antonio Fantuzzi, nasa likod pa ang tinapay at mga sisidlan sa mesa. Iniwan ng guro ang nakataas na hapag, at bumaba sa bahaging halos kapantay ng sahig ang tingin ng lahat.
Talata ng Bibliya
Juan 13:1–15 · ULB
- 13:1
Ngayon, bago ang Kapistahan ng Paskuwa, dahil alam ni Jesus na ang kaniyang oras ay dumating na, na siya ay dapat ng umalis ng mundong ito tungo sa kaniyang Ama, minamahal niya ang sariling kaniya na nasa mundo, minahal niya sila hanggang sa huli.
- 13:2
Ngayon, nailagay na sa puso ni Judas Iscariote na anak ni Simon, na ipagkanulo si Jesus.
- 13:3
Alam ni Jesus na ibinigay ng Ama sa kaniyang mga kamay ang lahat ng mga bagay at siya ay galing sa Diyos at babalik sa Diyos.
- 13:4
Tumayo siya nang hapunan at ibinaba ang kaniyang panglabas na kasuotan. At kumuha siya ng tuwalya at ibinigkis ito sa kaniyang sarili.
- 13:5
Pagkatapos, nagbuhos siya ng tubig sa palanggana at sinimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad at upang punasan sila ng tuwalya na ibinigkis sa kaniyang sarili.
- 13:6
Lumapit si Jesus kay Simon Pedro, at sinabi ni Simon Pedro sa kaniya, “Panginoon, huhugasan mo ba ang aking mga paa?”
- 13:7
Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Sa ngayon ang ginagawa ko ay hindi mo pa maintindihan, ngunit sa darating na panahon ay maiintindihan mo rin ito”
- 13:8
Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Hindi mo kailanman huhugasan ang aking mga paa.” Sumagot si Jesus, “Kung hindi kita huhugasan, hindi ka magkakaroon ng bahagi sa akin.”
- 13:9
Sinabi ni Simon Pedro sa kaniya, “Panginoon, huwag lamang ang aking mga paa ang iyong hugasan, ngunit pati na rin ang aking mga kamay at aking ulo.”
- 13:10
Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Ang sinuman na nakaligo na ay hindi na kailangang maghugas ng kahit ano pa maliban sa kaniyang mga paa, at siya ay malinis na malinis na; malinis ka na, ngunit hindi lahat kayo.”
- 13:11
Dahil alam ni Jesus kung sino ang magkakanulo sa kaniya; kaya sinabi niya; “Hindi ang lahat sa inyo ay malinis.”
- 13:12
Pagkatapos hugasan ni Jesus ang kanilang mga paa at kunin ang kaniyang mga damit at muling umupo, sinabi niya sa kanila, “Alam ba ninyo ang ginawa ko para sa inyo?
- 13:13
Tinatawag ninyo akong 'Guro' at 'Panginoon', at tama ang sinasabi ninyo, dahil ako nga iyon.
- 13:14
Kung ako nga na Panginoon at Guro, ay hinugasan ang iyong mga paa, dapat ninyo ring hugasan ang mga paa ng iba.
- 13:15
Dahil binigyan ko kayo ng halimbawa upang dapat gawin din ninyo tulad ng ginawa ko sa inyo.
