Mga talata sa Bibliya tungkol sa pagkakakilanlan kay cristo
Sa pagpapakilala sa sarili, madalas unang lumalabas ang trabaho, apelyido o kung saang paaralan ka galing. Kapag may nawala sa mga iyon, maaaring magbago rin ang paraan ng pagtingin mo sa sarili. Sa mga sipi rito, mapag-iisipan ang dignidad ng taong nilikha ng Diyos, ang pagbabago ng buhay at ang pagiging kabilang sa isang pamayanan ng pananampalataya. Puwede kang magbasa nang tahimik at pansinin kung aling mga bansag ang madalas mong inuulit tungkol sa sarili, lalo na kapag may pagkakamali.
Banal na BibliyaCC BY-SA 4.0Tagalog Unlocked Literal Bible © 2018 Door43 World Missions Community. La redistribución de este corpus conserva la licencia CC BY-SA 4.0.
Nilikha ng Diyos ang tao ayon sa kanyang sariling wangis. Ayon sa kanyang wangis nilikha niya siya. Lalaki at babae nilikha niya sila.
Genesis 1:27Banal na Bibliya Sapagkat kung sinuman ang kay Cristo, siya ay isang bagong nilalang. Ang luma ay lumipas na. Tingnan, sila ay naging bago na.
2 Corinto 5:17Banal na Bibliya Subalit kayo ay piniling lahi, isang grupo ng maharlikang mga pari, isang banal na bayan, mga taong pag-aari ng Diyos, upang maihayag ninyo ang mga kamangha-manghang ginawa ng tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kaniyang kamangha-manghang kaliwanagan.
1 Pedro 2:9Banal na Bibliya Naipako na ako sa krus kasama ni Cristo. Hindi na ako ang nabubuhay, ngunit si Cristo na ang nabubuhay sa akin, at ang buhay ngayon na aking ikinabubuhay sa laman, ay ikinabubuhay ko sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos, na nagmamahal sa akin at nagbigay ng kaniyang sarili para sa akin.
Galacia 2:20Banal na Bibliya Sapagkat tayo ay ginawa ng Diyos, nilikha kay Cristo Jesus upang gumawa ng mga mabubuting gawa. Ito ang mga gawa na matagal ng binalak ng Diyos para sa atin, upang makalakad tayo sa mga ito.
Efeso 2:10Banal na Bibliya “Bago kita binuo sa sinapupunan, pinili na kita. Bago ka ipanganak, itinalaga na kita. Ginawa kitang propeta sa mga bansa.”
Jeremias 1:5Banal na Bibliya Ngunit sa kasing-dami nang tumanggap sa kaniya, na naniwala sa kaniyang pangalan, sa kanila niya ipinagkaloob ang karapatang maging mga anak ng Diyos,
Juan 1:12Banal na Bibliya Ngayon, kayo ang katawan ni Cristo at ang bawat isa ay bahagi nito.
1 Corinto 12:27Banal na Bibliya Hindi ko na kayo tinatawag na mga lingkod, dahil hindi nalalaman ng lingkod kung ano ang ginagawa ng kaniyang Panginoon. Tinawag ko kayong mga kaibigan dahil ipinaalam ko sa inyo ang lahat ng mga bagay na narinig ko mula sa aking Ama.
Juan 15:15Banal na Bibliya Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Banal na Espiritu, na siyang namumuhay sa inyo, na inyong tinanggap mula sa Diyos? Hindi ba ninyo alam na hindi na ninyo pag-aari ang inyong sarili? Sapagkat binili na kayo sa isang halaga. Kaya, luwalhatiin ninyo ang Diyos sa pamamagitan ng inyong katawan.
1 Corinto 6:19–20Banal na Bibliya Masdan kung anong uri ng pag-ibig ng Ama ang ibinigay sa atin, na tayo ay nararapat tawaging mga anak ng Diyos, at ito ang kung ano tayo. Sa dahilang ito, hindi tayo kilala ng mundo dahil hindi siya kilala nito. Mga minamahal, ngayon tayo ay mga anak ng Diyos, at hindi pa naipahayag kung magiging ano tayo. Alam natin na kapag magpakita si Cristo, tayo ay magiging katulad niya, dahil makikita natin siya bilang siya. At bawat isa na may ganitong pagtitiwala tungkol sa hinaharap na nakatuon sa kanya ay dinadalisay ang kanyang sarili tulad ng siya ay dalisay.
1 Juan 3:1–3Banal na Bibliya Dapat ninyong hubarin ang naaayon sa dati ninyong gawain, ang dating pagkatao. Ito ay ang dating pagkatao na nabubulok dahil sa mapanlinlang na pagnanasa. Hubarin ninyo ang dating pagkatao upang mabago ang espiritu ng inyong pag-iisip. Gawin ninyo ito upang maisuot ninyo ang bagong pagkatao, na naaayon sa Diyos. Nilikha ito sa katuwiran at kabanalan ng katotohanan.
Efeso 4:22–24Banal na Bibliya Sapagkat marami ang pinapangunahan ng Espiritu ng Diyos, sila ay mga anak ng Diyos. Sapagkat hindi ninyo muling tinanggap ang espiritu ng pagkabihag upang matakot. Sa halip, natanggap natin ang espiritu ng pagkupkop, na kung saan sumisigaw tayo ng, “Abba, Ama!”
Roma 8:14–15Banal na Bibliya Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang mananatili sa akin at ako sa kaniya, ang tao ring ito ay namumunga ng marami, sapagka't wala kayong magagawa kung kayo ay hiwalay sa akin.
Juan 15:5Banal na Bibliya Magpapasalamat ako sa iyo, dahil ang iyong mga gawa ay kahanga-hanga at kamangha-mangha. Alam na alam mo ang aking buhay.
Mga Awit 139:14Banal na Bibliya Pero ngayon ito ang sinasabi ni Yahweh, ang siyang lumikha sa iyo, Jacob, at siyang humubog sa iyo, Israel: “huwag kang matakot, sapagkat tinubos kita; tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin.
Isaias 43:1Banal na Bibliya Ngunit ang ating pagkamamamayan ay sa langit, kung saan naghihintay rin tayo sa isang tagapagligtas na ang Panginoong Jesu-Cristo.
Filipos 3:20Banal na Bibliya Si Yahweh na Diyos ay ginawa ang tao mula sa alabok ng lupa, at hiningahan ang mga butas ng kanyang ilong ng hininga ng buhay, at ang tao ay naging buhay na nilalang.
Genesis 2:7Banal na Bibliya Bago likhain ang sanlibutan, pinili na tayo ng Diyos na mga mananampalataya kay Cristo. Pinili niya tayo upang tayo ay maging banal at walang kapintasan sa kaniyang paningin.
Efeso 1:4Banal na Bibliya Dahil sa pag-ibig itinalaga tayo ng Diyos upang ampunin bilang kaniyang sariling mga anak sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Ginawa niya ito sapagkat nasiyahan siyang gawin ang kaniyang nais.
Efeso 1:5Banal na Bibliya Magkakasama tayong binuhay ng Diyos at magkakasama tayong pinaupo ni Cristo Jesus sa kalangitan.
Efeso 2:6Banal na Bibliya Kung gayon, wala ng paghatol sa mga taong na kay Cristo Jesus.
Roma 8:1Banal na Bibliya Kaya ngayon kayong mga Gentil hindi na kayo mga dayuhan at hindi kilala. Sa halip kayo ay mga kapwa mamamayan kasama ng mga pinili para sa Diyos at mga kasapi ng sambahayan ng Diyos.
Efeso 2:19Banal na Bibliya
Mga karaniwang tanong
Ano ang ibig sabihin ng pagiging bagong nilalang kay Cristo?
Sa 2 Corinto 5:17, inilalarawan ni Pablo ang pagbabago ng buhay gamit ang larawan ng bagong paglikha. Kung may pagkakamaling madalas mong gawing bansag sa sarili, maaari mong kilalanin ang nangyari at isipin kung anong bagong ugali ang gusto mong isabuhay. Pumili ng hakbang na kaya mong gawin sa araw na ito.
Anong talata ang tungkol sa dignidad ng tao bilang larawan ng Diyos?
Sa Genesis 1:27, inilalarawan ang tao bilang nilikha ayon sa larawan ng Diyos. Puwede itong pagnilayan kung napapansin mong nakabatay lang sa trabaho o sa opinyon ng iba ang pakiramdam mo sa sariling halaga. Maaari rin nitong buksan ang tanong kung paano mo kinikilala ang dignidad ng mga taong madalas hindi napapansin.
May Bible verse ba tungkol sa pagiging kabilang sa bayan ng Diyos?
Sa 1 Pedro 2:9, inilalarawan ang mga mambabasa bilang isang bayang tinawag ng Diyos. Habang nagbabasa, isipin kung saan mo nararanasan ang pagiging kabilang sa isang pamayanang may pinagsasaluhang pananampalataya. Kung bago ka pa lamang sa isang grupo, maaaring mangumusta sa taong nakasabay mo nang minsan at alamin kung kailan muli kayo magkikita.
