Tagalog
Menu
Si Elias at ang anak ng balo — Ford Madox Brown. May ilang baitang pa sa pagitan ng ina at ng batang buhat ni Elias.
Anonymous Gift, 1926 · The Metropolitan Museum of Art

Ang Bibliya sa sining

Si Elias at ang anak ng balo

Ford Madox Brown · 1865–81

May ilang baitang pa sa pagitan ng ina at ng batang buhat ni Elias. Nasa itaas ang payat na bisig ng bata at nakasandal ang ulo niya sa balikat ng matanda. Nasa ibaba naman ang babaeng nakaluhod, nakataas ang magkahawak na kamay. Ang mga guhit sa dingding, ang ilawan at ang bahaging madilim sa itaas ay nagpapakitang nasa loob sila ng bahay. Sa 1 Hari 17, dinala ni Elias ang bata sa silid sa itaas at nanalangin. Nang bumalik ang hininga ng bata, ibinaba siya ni Elias sa kanyang ina. Sa pagkakalagay ni Ford Madox Brown sa tatlong mukha, mistulang nagkikita na sila bago pa man makababa si Elias.

Talata ng Bibliya

1 Mga Hari 17:17–24 · ULB

  1. 17:17

    Pagkatapos ng mga pangyayaring ito, nagkasakit ang lalaking anak ng babae, ang babaeng may-ari ng bahay. Napakalubha ng kaniyang karamdaman na kaniyang ikinamatay.

  2. 17:18

    Kaya sinabi ng kaniyang ina, “Ano ba ang dinala mo laban sa akin, lingkod ng Diyos? Pumunta ka ba rito para ipaalala ang aking kasalanan at patayin ang aking anak?”

  3. 17:19

    Pagkatapos sinabi sa kaniya ni Elias, “Ibigay mo sa akin ang iyong anak.” Kinuha ni Elias ang kaniyang anak at dinala sa taas ng bahay kung saan siya namamalagi, at inilapag ang bata sa higaan.

  4. 17:20

    Tumawag siya kay Yahweh, “Yahweh aking Diyos, nagdala ka rin ba ng kapahamakan sa balo na aking tinutuluyan, at pinatay mo ang kaniyang anak?”

  5. 17:21

    At inunat ni Elias nang tatlong beses ang kaniyang sarili sa bata; tumawag siya kay Yahweh at sinabi, “Yahweh na aking Diyos, nagmamaka-awa ako sa iyo, ibalik mo ang buhay ng batang ito.”

  6. 17:22

    Pinakinggan ni Yahweh ang tinig ni Elias; ang hininga ng bata ay bumalik sa kanya, at siya ay nabuhay muli.

  7. 17:23

    Kinuha niya ang bata at binaba sa bahay mula sa silidat sinabi, “Tingnan mo, buhay ang iyong anak.”

  8. 17:24

    Sumagot ang babae kay Elias, “Alam ko na ngayon na ikaw ay lingkod ng Diyos, at ang salita ni Yahweh mula sa iyong bibig ay totoo.”