
Ang Bibliya sa sining
Pentekostes
Anonymous · 1578–ca. 1620
Nakabuka ang pakpak ng kalapati sa tuktok ng silid. Mula roon ay bumubuka ang mga guhit ng liwanag hanggang sa mga mukha at kamay ng mga nakapaligid. Sa gitna, nakaupo si Maria, at sa harap ay may dalawang nakaluhod sa sahig na may mga parisukat. Sa Mga Gawa 2, napuno ng ugong na parang malakas na hangin ang bahay kung saan nagtipon sila. May nagpakitang parang mga dila ng apoy at nagsalita sila sa iba't ibang wika. Sa ukit na ito, ang malapad na liwanag sa itaas ang nag-uugnay sa bawat taong may sariling kilos at direksiyon ng tingin sa loob ng silid.
Talata ng Bibliya
Mga Gawa 2:1–13 · ULB
- 2:1
Nang sumapit ang araw ng Pentecostes, lahat sila ay sama-sama sa iisang lugar.
- 2:2
Bigla na lamang may tunog mula sa langit na tila humahagibis na hangin, at napuno nito ang buong bahay kung saan sila nakaupo.
- 2:3
Doon ay nagpakita sa kanila ang tulad ng dilang apoy na napamahagi at dumapo sa bawat isa sa kanila.
- 2:4
Napuspos silang lahat ng Banal na Espiritu at nagsimula silang magsalita sa iba't ibang wika ayon sa ipinagkaloob ng Espiritu sa kanila na sabihin.
- 2:5
Ngayon may mga Judiong naninirahan sa Jerusalem, mga maka-diyos na tao, galing sa bawat bansa sa ilalim ng langit.
- 2:6
Nang marinig ang tunog na ito, nagpuntahan ang maraming tao at nalito sapagkat narinig nang lahat na nagsasalita sila sa kanilang sariling wika.
- 2:7
Nagtaka sila at labis na namangha; sinabi nila, “Totoo ba, hindi ba at ang lahat ng mga nagsasalitang ito ay mga taga-Galilea?
- 2:8
Bakit kaya naririnig natin sila, bawat isa sa ating sariling wika na ating kinalakihan?
- 2:9
Mga taga- Partia, taga-Media at mga taga- Elam, at sa mga naninirahan sa Mesopotamia, sa Judea at Capadocia, sa Ponto at sa Asya,
- 2:10
sa Frigia at Panfilia, sa Egipto at sa bahagi ng Libya na malapit sa Cirene at mga panauhin mula sa Roma,
- 2:11
Mga Judio at mga taong nagbago ng paniniwala, at mga taga-Creta at mga taga- Arabia, naririnig namin sila na nagsasabi ayon sa ating mga wika tungkol sa mga kamangha- manghang gawa ng Diyos.”
- 2:12
Nagtaka silang lahat at naguluhan; at sinabi nila sa isa't- isa, “Ano ang ibig sabihin nito?”
- 2:13
Ngunit nangutya ang iba at sinabi, “Lasing na lasing sila ng bagong alak.”
