
Ang Bibliya sa sining
Paparating na bagyo
William Keith · 1880
May maliit na liwanag pa sa ilalim ng halos itim na bugso ng ulap. Nasa bukid ang karitong may kargang dayami, kasama ng ilang maliliit na pigura. Sa malayo, may tubig na nakakakuha pa ng kislap. Ang malapad na ulap o ang madilim na damuhan ay maaaring tumanggap ng maiikling linya, at maiiwang kita ang manipis na pagitan ng langit at lupa.
Talata ng Bibliya
Mga Awit 29:3–9 · ULB
- 29:3
Ang tinig ni Yahweh ay naririnig sa ibabaw ng mga katubigan; dumadagundong ang Diyos ng kaluwalhatian, dumadagundong si Yahweh sa ibabaw ng katubigan.
- 29:4
Ang tinig ni Yahweh ay makapangyarihan; ang tinig ni Yahweh ay kamangha-mangha. Ang tinig ni Yahweh ay nakawawasak ng mga sedar;
- 29:5
Ang tinig ni Yahweh ay napagpipira-piraso ang mga sedar ng Lebanon.
- 29:6
Pinalulukso niya ang Lebanon tulad ng isang guya at ang Sirion tulad ng isang batang baka.
- 29:7
Bumubuga ng lumalagablab na apoy ang tinig ni Yahweh.
- 29:8
Ang tinig ni Yahweh ang yumayanig sa ilang; si Yahweh ang yumayanig sa ilang ng Kades.
- 29:9
Ang tinig ni Yahweh ang nagdudulot na manganak ang babaeng usa; kinakalbo nito ang mga gubat; pero sa kaniyang templo ang lahat ay nagsasabing, “Kaluwalhatian!”
