Tagalog
Menu
Ang panalangin sa Getsemani — Raphael (Raffaello Sanzio or Santi). Nakatulog ang mga kasama sa paanan ng puno at sa magkabilang tabi ng batong malapit kay Jesus.
Funds from various donors, 1932 · The Metropolitan Museum of Art

Ang Bibliya sa sining

Ang panalangin sa Getsemani

Raphael (Raffaello Sanzio or Santi) · ca. 1504

Nakatulog ang mga kasama sa paanan ng puno at sa magkabilang tabi ng batong malapit kay Jesus. Nakatiklop ang mga tuhod ng isa at nakasandal naman ang ulo ng isa pa sa braso. Nakaluhod si Jesus nang bahagyang mas mataas sa kanila, nakaharap sa maliit na kopang iniaabot mula sa sulok sa itaas. Sa Mateo 26, lumayo siya nang kaunti sa tatlong kasama upang manalangin sa Getsemani. Nang balikan niya sila, natagpuan niya silang natutulog. Iniwan ni Raphael ang pagitan ng mga nakahilig na katawan at ng mga kamay na magkadikit sa panalangin. May bukás pang bughaw sa likod ng puno, ngunit mag-isa na si Jesus sa gitna nito.

Talata ng Bibliya

Mateo 26:36–46 · ULB

  1. 26:36

    Pagkatapos, pumunta si Jesus na kasama sila sa isang lugar na tinawag na Getsemani at sinabi sa kaniyang mga alagad, “Umupo kayo dito habang ako ay pupunta doon at manalangin.”

  2. 26:37

    Sinama niya si Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo at nagsimula siyang nalungkot at nabagabag.

  3. 26:38

    At sinabi niya sa kanila, “Ang kaluluwa ko ay lubha na namimighati, maging sa kamatayan. Manatili kayo dito at magbantay kasama ko.”

  4. 26:39

    Lumakad siya nga medyo malayo, at siya'y nagpatirapa, at nanalangin. Sinabi nya, “Aking Ama, kung maaari, hayaan na ang tasang ito ay lalampas sa akin. Gayunman, hindi sa nais ko kundi ayon sa nais mo.”

  5. 26:40

    Lumapit siya sa mga alagad at sila'y kaniyang nadatnang natutulog at sinabi niya kay Pedro, “Ano, hindi ba ninyo kayang magbantay kasama ko ng isang oras?

  6. 26:41

    Magbantay kayo at manalangin upang hindi kayo matukso. Ang espiritu ay nagnanais, ngunit ang laman ay mahina.”

  7. 26:42

    Umalis siya sa pangalawang pagkakataon at nanalangin, at nagsabi, “Aking Ama, kung hindi ito maaring lilipas maliban na inumin ko ito, ang kalooban mo ang magaganap.”

  8. 26:43

    At siya'y nagbalik muli at nakita silang natutulog, sapagkat mabigat na ang kanilang mga mata.

  9. 26:44

    At muli niya silang iniwan at siya'y umalis. Nanalangin siya sa ikatlong pagkakataon at sinabi ang ganoon ding mga salita.

  10. 26:45

    Pagkatapos, lumapit si Jesus sa kaniyang mga alagad at sinabi sa kanila, “Natutulog pa rin ba kayo at namamahinga? Tingnan ninyo, malapit na ang oras, at ang Anak ng Tao ay ipagkanulo sa mga kamay ng mga makasalanan.

  11. 26:46

    Tumindig kayo, aalis na tayo. Tingnan ninyo, malapit na ang magkanulo sa akin.”