Tagalog
Menu
Ang panaginip ni Jacob — P.M.. Hindi parihabang papel ang kinalalagyan ng panaginip ni Jacob.
Gift of C. Ruxton Love Jr., 1965 · The Metropolitan Museum of Art

Ang Bibliya sa sining

Ang panaginip ni Jacob

P.M. · ca. 1567

Hindi parihabang papel ang kinalalagyan ng panaginip ni Jacob. Nakapaloob ang munting tanawin sa isang bilog na napalilibutan ng ginto at mga palamuting parang dahon. Sa gitna ng sisidlang iyon ay may hagdan, may mga ulap sa itaas at may pigurang nasa lupa sa ilalim. May maliliit pang anyong kailangang lapitan upang makita. Sa Genesis 28, gabi nang huminto si Jacob sa daan. Natulog siyang bato ang unan at napanaginipan ang hagdan na may mga anghel na umaakyat at bumababa. Ang bilog na gilid ay nagtitipon sa magkakalayong bahagi ng kuwento, mula sa hihigan ng naglalakbay hanggang sa ulap sa tuktok.

Talata ng Bibliya

Genesis 28:10–22 · ULB

  1. 28:10

    Nilisan ni Jacob ang Beer-seba at nagpunta sa Haran.

  2. 28:11

    Dumating siya sa isang lugar at nanatili roon buong gabi, dahil lumubog na ang araw. Kumuha siya ng isang bato sa lugar na iyon, inilagay iyon sa ilalim ng kanyang ulo at nahiga sa lugar na iyon para matulog.

  3. 28:12

    Siya ay nanaginip at nakakita ng hagdanang itinayo sa mundo. Ang tuktok nito ay umaabot sa langit at ang mga anghel ng Diyos ay akyat-panaog doon.

  4. 28:13

    Masdan, si Yahweh ay nakatayo sa ibabaw niyon at nagsabi, “Ako si Yahweh, ang Diyos ni Abraham na iyong ama, at ang Diyos ni Isaac. Ang lupang hinihigaan mo, ibibigay ko sa iyo at sa iyong mga kaapu-apuhan.

  5. 28:14

    Ang iyong mga kaapu-apuhan ay magiging tulad ng alikabok sa mundo, at ikaw ay kakalat sa kanluran, sa silangan, sa hilaga, at sa timog. Sa iyo at iyong mga kaapu-apuhan, ang lahat ng mga pamilya sa mundo ay pagpapalain.

  6. 28:15

    Masdan mo, kasama mo ako, iingatan kita saan ka man magpunta. Dadalhin kitang muli sa lupaing ito; dahil hindi kita iiwan. Tutuparin ko ang lahat ng naipangako ko sa iyo.”

  7. 28:16

    Si Jacob ay nagising mula sa kanyang pagtulog at sinabi nya, “Tunay nga na si Yahweh ay nasa lugar na ito, at hindi ko iyon alam.”

  8. 28:17

    Natakot siya at nagsabi, “Nakakikilabot naman ang lugar na ito! Ito ay walang iba kundi ang tahanan ng Diyos. Ito ang tarangkahan ng langit.”

  9. 28:18

    Bumangon si Jacob kinaumagahan at kinuha ang batong inilagay niya sa ilalim ng kaniyang ulo. Itinayo niya ito bilang isang haligi at nagbuhos ng langis sa ibabaw nito.

  10. 28:19

    Tinawag niya ang pangalan ng lugar na iyon na Bethel, pero ang dating pangalan ng lungsod na iyon ay Luz.

  11. 28:20

    Si Jacob ay sumumpa ng isang panata na nagsasabing, “Kung ang Diyos ay kasama ko at pangangalagaan ako sa daang ito na aking nilalakaran, at bibigyan ako ng tinapay para kainin, at mga damit para suutin,

  12. 28:21

    nang sa gayon matiwasay akong makabalik sa bahay ng aking ama, pagkatapos si Yahweh ay magiging Diyos ko.

  13. 28:22

    Pagkatapos ang batong ito na itinayo ko bilang isang haligi ay magiging banal na bato. Mula sa lahat ng ibinigay mo sa akin, tiyak na ibabalik ko sa iyo ang ikasampung bahagi.”