
Ang Bibliya sa sining
Ang pagsamba ng mga Mago
Giotto di Bondone · possibly ca. 1320
Nakabitin ang bubong na kahoy sa ibabaw ni Maria, na nakahigang nakabalot ng maitim na asul. Sa harapan, nakaluhod ang bisitang may matingkad na pulang damit, malapit na malapit sa bata. Naghihintay ang dalawang kasama sa kanan at may mga hayop na nakasiksik sa kaliwa. Ang Mateo 2 ay nagsasalaysay ng pagdating ng mga pantas mula sa silangan, ang pagsunod nila sa bituin at ang pag-aalay ng mga kaloob. Ipininta ni Giotto ang sandaling narating na nila ang kanilang hinahanap. Sa gintong paligid at sa ilalim ng bubong, ang yuko ng unang bisita ang naghahatid sa tingin hanggang sa mukha ng bata.
Talata ng Bibliya
Mateo 2:1–12 · ULB
- 2:1
Pagkatapos maipanganak si Jesus sa Bethlehem ng Judea sa mga araw ni Haring Herodes, dumating sa Jerusalem ang mga pantas na kalalakihan mula sa silangan na nagsasabi,
- 2:2
“Nasaan siyang ipinanganak na Hari ng mga Judio? Nakita namin ang bituin niya sa silangan kaya pumarito kami upang sumamba sa kaniya.”
- 2:3
Nang marinig ito ni haring Herodes, nabagabag siya at ang buong Jerusalem na kasama niya.
- 2:4
At tinipon ni Herodes ang lahat ng mga punong pari at mga eskriba ng mga tao, at tinanong niya ang mga ito, “Saan ipapanganak ang Cristo?”
- 2:5
Sinabi nila sa kaniya, “Sa Bethlehem ng Judea, sapagkat ito ang isinulat ng propeta,
- 2:6
'At ikaw, Bethlehem, sa lupain ng Judah, ay hindi pinakahamak sa mga pinuno ng Judah, sapagkat sayo magmumula ang isang pinuno na magpapastol sa aking mga taong Israelita.'”
- 2:7
At lihim na ipinatawag ni Herodes ang mga pantas na kalalakihan upang tanungin kung ano ang tiyak na oras na nagpakita ang bituin.
- 2:8
Pinapunta niya ang mga ito sa Bethlehem at sinabing, “Humayo kayo at hanaping mabuti ang bata. Kung nahanap ninyo siya, ipaalam ninyo sa akin upang makapunta at makasamba din ako sa kaniya.”
- 2:9
Pagkatapos nilang makinig sa hari, sila ay tumuloy sa kanilang lakbayin, at pinangunahan sila ng bituwin na kanilang nakita mula sa silangan hanggang sa ito ay tumigil kung nasaan naroroon ang bata.
- 2:10
Nang nakita nila ang bituin, sila ay nagalak nang may labis na kagalakan.
- 2:11
Sila ay pumunta sa bahay at kanilang nakita ang bata kasama ng kaniyang inang si Maria. Yumukod sila at sumamba sa kaniya. Binuksan nila ang kanilang mga kayamanan at inihandog nila ang kanilang mga kaloob na ginto, kamanyang, at mira.
- 2:12
Binalaan sila ng Diyos sa panaginip na huwag nang bumalik kay Herodes, kaya umiba sila ng daan pauwi sa kanilang bayan.
