Tagalog
Menu
Ang pagpapako sa krus — Pietro Lorenzetti. Tatlong krus ang nakaangat sa ginto, at sa ilalim ay halos magkabalikat ang mga nagdadalamhati at mga kawal.
Purchase, Lila Acheson Wallace Gift and Gwynne Andrews Fund, 2002 · The Metropolitan Museum of Art

Ang Bibliya sa sining

Ang pagpapako sa krus

Pietro Lorenzetti · 1340s

Tatlong krus ang nakaangat sa ginto, at sa ilalim ay halos magkabalikat ang mga nagdadalamhati at mga kawal. Sa kaliwa, yumuyuko ang babaeng nakabughaw habang may mga umaalalay sa kanya. Sa kanan, nakasingit sa hanay ng mga tao ang kabayo at matingkad na damit. Ayon sa Juan 19, naroon sa tabi ng krus ang ina ni Jesus at iba pang mga babae. Naroon din ang alagad na pinagbilinan niya tungkol sa kanyang ina. Sa maliit na panel ni Pietro Lorenzetti, kailangang dumaan sa makukulay na balabal at ulo bago makarating sa nakayukong mukha. Samantala, maluwag ang ginto sa ibabaw, sa pagitan ng tatlong krus.

Talata ng Bibliya

Juan 19:23–30 · ULB

  1. 19:23

    Pagkatapos ipako ng mga sundalo si Jesus, kinuha nila ang kaniyang kasuotan at pinaghatihati ng apat, isang bahagi sa bawat sundalo, at gayon din ang tunika. Ngayon ang tunika ay walang tahi, ito ay hinabi mula sa itaas at sa lahat ng bahagi.

  2. 19:24

    Pagkatapos sinabi nila sa isa't isa, “Huwag nating punitin ito, sa halip tayo ay magsapalaran para dito upang malaman natin kung kanino ito mapupunta.” Nangyari ito upang maganap ang kasulatan na nagsasabi, “Pinaghati-hatian nila ang mga kasuotan ko sa kanilang mga sarili, at para sa aking damit sila ay nagsapalaran.”

  3. 19:25

    Ginawa ng mga sundalo ang mga bagay na ito. Ang ina ni Jesus, ang kapatid ng ina ni Jesus, si Maria na asawa ni Cleopas, at Maria Magdalena— ang mga babaeng ito ay nakatayo malapit sa krus ni Jesus.

  4. 19:26

    Nang makita ni Jesus ang kaniyang ina at ang alagad na kaniyang minamahal na nakatayo sa malapit, sinabi ni Jesus sa kaniyang ina, “Babae, tingnan mo, narito ang iyong anak.”

  5. 19:27

    Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa alagad, “Tingnan mo, narito ang iyong ina!” Mula sa mga oras na iyon tinanggap na siya ng alagad na kabahagi ng sariling niyang tahanan.

  6. 19:28

    Pagkatapos nito si Jesus, dahil alam niya na ang lahat ng mga bagay ay tapos na, upang ang kasulatan ay magkatotoo sinabi niya, “Ako ay nauuhaw.”

  7. 19:29

    Isang lalagyan na puno ng maasim na alak ang nailagay doon, kaya naglagay sila ng isang espongha puno ng maasim na alak sa isang tukod ng isopo at iniangat ito sa kaniyang bibig.

  8. 19:30

    Nang matanggap ni Jesus ang maasim na alak, sinabi niya, “Naganap na.” Iniyuko niya ang kaniyang ulo at isinuko ang kaniyang espiritu.