Tagalog
Menu
Ang pagkakanulo ni Judas — Bartolomeo di Tommaso. Sa ilalim ng itim na langit, naglalapit ang mga mukha nina Judas at Jesus sa gitna ng makukulay na baluti.
Gwynne Andrews Fund, 1958 · The Metropolitan Museum of Art

Ang Bibliya sa sining

Ang pagkakanulo ni Judas

Bartolomeo di Tommaso · ca. 1445–50

Sa ilalim ng itim na langit, naglalapit ang mga mukha nina Judas at Jesus sa gitna ng makukulay na baluti. Nakaunat ang mga bisig ng mga humuhuli, at may mga sibat na nakatindig sa likod ng ulo nila. Sa harapan, may dalawang taong halos nakadikit na sa lupa sa gitna ng gulo. Isang halik ang napagkasunduang hudyat sa Mateo 26. Pagkatapos lumapit ni Judas, dumakip ang pangkat na kasama niya at may bumunot ng tabak mula sa mga kasama ni Jesus. Pinagsama ni Bartolomeo di Tommaso ang mga kilos na iyon sa maliit na puwang sa tabi ng mga namumulaklak na halaman.

Talata ng Bibliya

Mateo 26:47–56 · ULB

  1. 26:47

    Habang siya'y nagsasalita, si Judas na isa sa Labingdalawa ay dumating. Kasama niya ang napakaraming tao na mula sa mga punong pari at mga nakatatanda sa mga tao. Dumating sila na may dalang mga espada at mga pamalo.

  2. 26:48

    Ngayon ang tao na magkanulo kay Jesus ay nagbigay ng hudyat sa kanila na nagsasabi, “Kung sinuman ang aking hahalikan, siya na iyon. Sunggaban siya.”

  3. 26:49

    Agad-agad lumapit siya kay Jesus at sinabi, “Binabati kita, Rabi” At hinalikan niya siya.

  4. 26:50

    Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Kaibigan, gawin mo kung ano ang ipinunta mo dito.” Pagkatapos, nagsidatingan sila at hinawakan si Jesus, at sinunggaban siya.

  5. 26:51

    Masdan ito, ang isa sa mga kasama ni Jesus ay inunat ang kaniyang kamay at hinugot ang kaniyang espada at tinapyas ang alipin ng pinakapunong pari, at tinagpas ang kaniyang tainga.

  6. 26:52

    Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ibalik mo ang espada sa kaniyang kaluban, sapagkat ang lahat ng gagamit ng espada ay masasawi sa pamamagitan din ng espada.

  7. 26:53

    Iniisip ba ninyo na hindi ko kayang tumawag sa aking Ama, at padadalhan niya ako ng higit pa sa labindalawang pulutong ng mga anghel?

  8. 26:54

    Ngunit paano matutupad ang mga kasulatan, na dapat mangyari?”

  9. 26:55

    Sa oras na iyon si Jesus ay nagsabi sa maraming tao, “Pumunta kayo rito na dala-dala ang mga espada at mga pamalo upang hulihin ako katulad ng isang tulisan? Araw-araw ay nakaupo ako sa templo na nagtuturo at hindi ninyo ako hinuli.

  10. 26:56

    Ngunit lahat ng ito ay kailangang mangyari upang ang mga sinusulat ng mga propeta ay matupad.” At iniwanan siya ng lahat ng mga alagad at sila’y tumakas.