Tagalog
Menu
Hinampas ni Moises ang bato — Abraham Bloemaert. Kumikislap ang pulang tela sa tabi ng lalaking nakataas ang mga bisig.
Purchase, Gift of Mary V. T. Eberstadt, by exchange, 1972 · The Metropolitan Museum of Art

Ang Bibliya sa sining

Hinampas ni Moises ang bato

Abraham Bloemaert · 1596

Kumikislap ang pulang tela sa tabi ng lalaking nakataas ang mga bisig. May nakaluhod sa kanan at may nakasandig na tila gustong sumulong sa kaliwa. Sa paanan nila, nakahanda ang malaking bilugang sisidlan. Iba-iba ang kilos ng mga tao sa hanay ng mga bato, na para bang may dumarating pang galing sa likod ng burol. Sa Exodo 17, walang mainom sa pinagkampuhan ng mga Israelita. Inutusan si Moises na hampasin ang bato sa Horeb upang lumabas ang tubig. Hinayaan ni Abraham Bloemaert na makita ang sabay-sabay na pag-unat at paglapit ng mga taong naghihintay, maging ang mga sisidlang kakailanganin nila.

Talata ng Bibliya

Exodo 17:1–7 · ULB

  1. 17:1

    Naglakbay ang buong komunidad ng mga Israelita mula sa ilang ng Sin, ayon sa mga tagubilin ni Yahweh. Nagkampo sila sa Rephidim, pero walang tubig na maiinom para sa mga tao.

  2. 17:2

    Kaya sinisi ng mga tao si Moises dahil sa kanilang kalagayan at sinabing, “Bigyan mo kami ng tubig na maiinom.” Sinabi ni Moises, “Bakit kayo makikipagtalo sa akin?” Bakit sinusubok ninyo si Yahweh?”

  3. 17:3

    Labis na nauuhaw ang mga tao, at nagreklamo laban kay Moises. Sinabi nila, “Bakit dinala mo kami palabas sa Ehipto? Para patayin kami at ang aming mga anak pati mga baka sa pagkauhaw?”

  4. 17:4

    Kaya dumaing si Moises kay Yahweh, “Ano ba ang dapat kong gawin sa mga taong ito? Halos handa na silang batuhin ako.”

  5. 17:5

    Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Mauna ka sa mga tao at magdala ka ng ilan sa mga nakatatanda ng Israel. Dalhin mo ang tungkod na inihampas mo sa ilog at umalis ka.

  6. 17:6

    Tatayo ako sa harapan mo doon sa ibabaw ng bato sa Horeb, at papaluin mo ang bato. Lalabas ang tubig mula dito para inumin ng mga tao. Pagkatapos ginawa ito ni Moises sa paningin ng mga nakatatanda ng Israel.

  7. 17:7

    Tinawag niya ang lugar na iyon na Massah at Meribah dahil sa pagrereklamo ng mga Israelita at dahil sinubukan nila ang Diyos sa pamamagitan ng pagsabing, “Kasama ba natin si Yahweh o hindi?”