Tagalog
Menu

Mga talata sa Bibliya tungkol sa tukso

Nasa kamay mo na ang telepono at isang pindot na lang ang kailangan para balikan ang nakasanayan mong iwasan. Sa mga ganitong sandali, may halaga ang paghinto kahit saglit at pagkilala sa nangyayari bago magpasya. Kasama sa mga babasahin dito ang pagbabantay at pananalangin, pagkilala sa mga pagnanasang humihila sa atin, at paghahanap ng hakbang palabas sa isang mahirap na sitwasyon. Pumili ng talatang maaari mong balikan bago pa dumating ang sandaling madalas kang napapapayag, gaya ng pagtatapos ng isang mahaba at nakakapagod na araw.

Banal na BibliyaCC BY-SA 4.0Tagalog Unlocked Literal Bible © 2018 Door43 World Missions Community. La redistribución de este corpus conserva la licencia CC BY-SA 4.0.

  1. Walang tukso ang dumating sa inyo na hindi pangkaraniwan sa lahat ng tao. Sa halip, tapat ang Diyos. Hindi kayo hahayaan ng Diyos na matukso ng higit sa inyong kakayanan. Sa pamamagitan ng tukso ay siya din ang magbibigay ng paraan para makatakas, upang inyo ngang makayanan ang mga ito.

    1 Corinto 10:13Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawanKahulugan
  2. Magbantay kayo at manalangin upang hindi kayo matukso. Ang espiritu ay nagnanais, ngunit ang laman ay mahina.”

    Mateo 26:41Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  3. Kaya, magpasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayo siya sa inyo.

    Santiago 4:7Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  4. Pinagpala ang tao na nagtitiis sa pagsubok, sapagkat pagkatapos niyang mapagtagumpayan ang pagsubok, makakatanggap siya ng korona ng buhay, na ipinangako sa mga nagmamahal sa Diyos. Huwag sabihin ng sinuman kapag siya ay tinukso, “Ang pagsubok na ito ay galing sa Diyos, ” Sapagkat ang Diyos ay hindi tinukso ng diyablo, at ang Diyos mismo ay hindi tinutukso ang sino man. Ang bawat tao ay natutukso ng kaniyang masamang mga pagnanasa kung saan inaakit at itinutulak siya palayo. At pagkatapos na maglihi ang makasalanang pagnanasa, ang kasalanan ay maipapanganak at pagkatapos lumaki ng kasalanan hahantong ito sa kamatayan. Huwag kayong magpalinlang, mga minamahal kong kapatid.

    Santiago 1:12–16Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  5. Dahil si Jesus mismo ay naghirap, noong siya ay tinukso, kaya niyang tulungan ang mga natukso.

    Mga Hebreo 2:18Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  6. Isuot ninyo ang buong baluti ng Diyos, upang sa ganoon maaari ninyong malabanan ang mga mapanlinlang na mga balak ng diablo.

    Efeso 6:11Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  7. Pagkatapos, pinangunahan ng Espiritu si Jesus sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. Noong nag-ayuno siya sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi, siya ay nagutom. Dumating ang manunukso at sinabi sa kaniya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, utusan mo ang mga batong ito na maging tinapay.” Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Nasusulat, 'Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Diyos.”' Pagkatapos, dinala siya ng diyablo sa banal na lungsod at dinala siya sa pinakamataas na bahagi ng gusali ng templo at sinabi sa kaniya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka sa baba, sapagkat nasusulat, 'Uutusan niya ang kaniyang mga anghel upang pangalagaan ka,' at 'Itataas ka nila sa kanilang mga kamay upang hindi tumama ang iyong mga paa sa bato.”' Sinabi ni Jesus sa kaniya, “At nasusulat din, 'Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos.'” Muli, dinala siya ng diyablo sa isang mataas na lugar at ipinakita ang lahat ng mga kaharian ng mundo pat na ang kanilang karingalan. Sinabi niya sa kaniya, “Ang lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw ay yuyukod at sasambahin ako.” At sinabi ni Jesus sa kaniya, “Umalis ka dito Satanas! Sapagkat nasusulat, 'Dapat mong sambahin ang Panginoon mong Diyos at siya lamang ang iyong paglingkuran.” At iniwan siya ng diyablo at masdan ito, dumating ang mga anghel at naglingkod sa kaniya.

    Mateo 4:1–11Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  8. Magbantay kayo at manalangin na hindi kayo matukso. Tunay na ang espiritu ay nakahandang sumunod, ngunit mahina ang laman.”

    Marcos 14:38Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  9. Huwag mong bigyan ng pagkakataon ang diyablo.

    Efeso 4:27Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  10. dahil nalalaman ninyo na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay nagdudulot ng pagtitiis.

    Santiago 1:3Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  11. Nang dumating sila, sinabi niya sa kanila, “Ipanalangin ninyo na hindi kayo matukso.”

    Lucas 22:40Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  12. Sapagkat wala tayong pinaka-punong pari na hindi makakaramdam ng pagkahabag sa ating mga kahinaan, ngunit siya ay tinukso sa lahat ng paraan tulad natin, maliban lang na wala siyang kasalanan.

    Mga Hebreo 4:15Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  13. Hindi niyo pa tinanggihan o nilabanan ang kasalanan na humantong sa pagkaubos ng dugo.

    Mga Hebreo 12:4Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  14. Kayo ay sa Diyos, minamahal kong mga anak, at napagtagumpayan sila dahil ang siyang sumasainyo ay mas dakila kaysa siyang nasa mundo.

    1 Juan 4:4Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  15. At huwag mo kaming dalhin sa tukso, ngunit iligtas mo mula sa masama.

    Mateo 6:13Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  16. Lumayo sa sekswal na imoralidad! “Ang ibang kasalanan na nagagawa ng tao ay labas sa katawan,” ngunit ang mahalay na tao ay nagkakasala laban sa kaniyang sariling katawan. Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Banal na Espiritu, na siyang namumuhay sa inyo, na inyong tinanggap mula sa Diyos? Hindi ba ninyo alam na hindi na ninyo pag-aari ang inyong sarili? Sapagkat binili na kayo sa isang halaga. Kaya, luwalhatiin ninyo ang Diyos sa pamamagitan ng inyong katawan.

    1 Corinto 6:18–20Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  17. Pagkat ang lahat ng nasa sa mundo - ang kahalayan ng laman, ang kahalayan ng mata, at ang kahambugan sa buhay - ay hindi sa Ama pero sa mundo.

    1 Juan 2:16Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  18. Samakatuwid huwag ninyong hayaan na pagharian ng kasalanan ang inyong mga namamatay na katawan upang inyong sundin ang mga pagnanasa nito. Huwag ninyong ihandog ang mga bahagi ng inyong katawan sa kasalanan bilang kasangkapan para sa kasamaan, ngunit ihandog ninyo ang inyong mga sarili sa Diyos, na buhay mula sa patay. At ihandog ninyo ang mga bahagi ng inyong katawan bilang kasangkapan ng katuwiran para sa Diyos. Huwag ninyong hayaan na pagharian kayo ng kasalanan. Sapagkat wala na kayo sa ilalim ng kautusan ngunit sa ilalim ng biyaya.

    Roma 6:12–14Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  19. Sapagkat malakas ang nasa ng laman laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay may malakas na nasa laban sa laman. Sapagkat ang mga ito ay laban sa isa't isa. Ang kinahinatnan ay hindi ninyo ginawa ang mga bagay ninais ninyong gawin.

    Galacia 5:17Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan
  20. at tinanong sila, “Bakit kayo natutulog?” Bumangon kayo at manalangin, nang hindi kayo pumasok sa tukso.”

    Lucas 22:46Banal na Bibliya
    Gumawa ng larawan

Mga karaniwang tanong

Ano ang Bible verse tungkol sa paglaban sa tukso?

Sa 1 Corinto 10:13, inilalarawan ni Pablo ang pagkakaroon ng daan para makayanan ang tukso. Habang nagbabasa, mag-isip ng isang konkretong hakbang na puwede mong gawin sa madaling panahon. Halimbawa, maaaring makaalis ka muna sa usapan o matawagan ang taong nakakaalam ng ugaling gusto mong baguhin.

Ano ang sinabi ni Jesus sa mga alagad tungkol sa tukso?

Sa Mateo 26:41, magkasama ang pagbabantay at pananalangin sa sinabi ni Jesus habang nahihirapang manatiling gising ang mga alagad. Makakatulong na basahin ang buong tagpo upang makita ang bigat at pagod ng gabing iyon. Maaari mo ring isipin kung kailan bumababa ang pag-iingat mo kapag kulang ka sa pahinga.

Ano ang sabi ng Bibliya tungkol sa kung saan nagmumula ang tukso?

Sa Santiago 1:12-16, sinusundan ang papel ng sariling pagnanasa at ang posibleng bunga kapag hinayaan itong manguna. Kung may kilos kang paulit-ulit na pinagsisisihan, pansinin ang nangyayari bago ito. Minsan, mas madaling baguhin ang unang hakbang, gaya ng paglayo sa sitwasyong alam mong mahirap harapin nang mag-isa.

Isang eksenang bibliya sa sining

Ang pagpapaalis sa Paraiso — Daniel Fröschl. May mga prutas na sa damuhan bago pa makalabas sina Eva at Adan sa kakahuyan.
Genesis 3:22–24
Ang pagpapaalis sa ParaisoDaniel Fröschl · The Metropolitan Museum of Art