Mga talata sa Bibliya tungkol sa mga maysakit
Sa pagitan ng paghihintay sa resulta at pag-alala sa susunod na gamot, puwedeng maging magulo ang isang araw na dati namang simple. Kapag ikaw ang maysakit, baka wala kang gana sa mahabang basahin. Kapag ikaw ang nag-aalaga, baka naghahanap ka ng mga salitang sakto sa maikling pagdalaw. May mga sipi rito para sa pagdarasal, sa pagharap sa paghina ng katawan at sa pag-alala sa taong may sakit. Pumili ayon sa kaya ninyong basahin ngayon.
Banal na BibliyaCC BY-SA 4.0Tagalog Unlocked Literal Bible © 2018 Door43 World Missions Community. La redistribución de este corpus conserva la licencia CC BY-SA 4.0.
Minamahal, dinadalangin ko na ikaw ay lumago sa lahat ng mga bagay at maging sa kalusugan, katulad ng paglago ng iyong kaluluwa.
3 Juan 1:2Banal na Bibliya Hindi lamang ito, ngunit nagagalak din tayo sa ating mga pagdurusa. Alam natin na ang pagdurusa ay nagbubunga ng pagtitiis. Ang pagtitiis ay nagbubunga ng pagsang-ayon, at ang pagsang-ayon ay nagbubunga ng katiyakan para sa hinaharap.
Roma 5:3–4Banal na Bibliya Mayroon bang masaya sa inyo? Hayaan siyang umawit ng papuri. Mayroon bang may sakit sa inyo? Hayaan siyang tawagin ang mga nakatatanda ng iglesya at hayaan siyang ipanalangin ng mga nakatatanda, at pahiran siya ng langis sa pangalan ng Panginoon, at ang panalangin ng may pananampalataya ang magpapagaling sa taong may sakit, at ang Panginoon ang magtataas sa kaniya. Kung nakagawa siya ng kasalanan, patatawarin siya ng Diyos.
Santiago 5:14–15Banal na Bibliya Siya mismo ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa puno, upang hindi na tayo magkaroon ng bahagi sa kasalanan, at upang makapamuhay tayo para sa katuwiran. Sa pamamagitan ng kanyang mga sugat kayo ay gumaling.
1 Pedro 2:24Banal na Bibliya Si Yahweh ang aalalay sa kaniya sa higaan ng paghihirap; gagawin mong higaan ng kagalingan ang kaniyang higaan ng karamdaman.
Mga Awit 41:3Banal na Bibliya Ang isang masayahing puso ay mainam na gamot, pero ang mabigat na kalooban ay nakakatuyo ng mga buto.
Mga Kawikaan 17:22Banal na Bibliya Pero sinaksak siya dahil sa ating mga ginawang paghihimagsik; nadurog siya dahil sa ating mga kasalanan. Ang kaparusahan para sa ating kapayapaan ay nasa kanya, at pinagaling niya tayo sa pamamagitan ng kanyang mga sugat.
Isaias 53:5Banal na Bibliya Papahirin niya ang bawat luha mula sa kanilang mga mata, wala nang kamatayan, o pagdadalamhati, o pag-iyak, o sakit. Ang naunang mga bagay ay lumipas na.
Pahayag 21:4Banal na Bibliya Sapagkat ako mismo ang nakakaalam ng mga plano na mayroon ako para sa inyo, mga plano para sa kapayapaan at hindi para sa sakuna, upang bigyan kayo ng isang kinabukasan at pag-asa. Ito ang pahayag ni Yahweh.
Jeremias 29:11Banal na Bibliya at pagalingin ninyo ang may sakit na naroroon. Sabihin niyo sa kanila, 'Ang kaharian ng Diyos ay malapit na sa inyo.'
Lucas 10:9Banal na Bibliya Ibigay niyo ang lahat ng inyong pag-aalala sa kaniya, dahil pinag-iingatan niya kayo.
1 Pedro 5:7Banal na Bibliya Dapat sambahin ninyo ako, si Yahweh na iyong Diyos. Kung gagawin mo, pagpapalain ko ang iyong tinapay at tubig. Aalisin ko ang karamdaman mula sa inyo.
Exodo 23:25Banal na Bibliya Nagbibigay siya ng kalakasan sa mga pagod; sa mga mahihina nagbibigay siya ng bagong lakas. Kahit ang mga kabataan ay napapagod at nanghihina, at ang kabataang lalaki ay nadadapa at nahuhulog: pero silang naghihintay kay Yahweh ay panunumbalikin ang kanilang kalakasan; pumailanglang sila ng may pakpak tulad ng mga agila; sila ay tatakbo at hindi manghihina; sila ay maglalakad at hindi mahihimatay.
Isaias 40:29–31Banal na Bibliya Pagalingin mo ako, Yahweh, at ako ay gagaling! Iligtas mo ako, at ako ay maliligtas. Sapagkat ikaw ang aking awit ng papuri.
Jeremias 17:14Banal na Bibliya Si Yahweh ang aking pastol; hindi ako magkukulang. Pinahihiga niya ako sa luntiang mga pastulan; inaakay niya ako sa tabi ng payapang tubigan. Binabalik niya ang aking buhay; ginagabayan niya ako sa tamang landas alang-alang sa kaniyang pangalan. Kahit na lumakad ako sa gitna ng napakadilim na anino ng lambak, hindi ko katatakutan ang kapahamakan dahil ikaw ang kasama ko; ang iyong pamalo at iyong tungkod ang nagpapayapa sa akin. Ipinaghahanda mo ako ng isang hapag sa harapan ng aking mga kaaway; binuhusan mo ng langis ang aking ulo; ang saro ko ay nag-uumapaw. Tiyak na kabutihan at katapatan sa tipan ang hahabol sa akin sa lahat ng mga araw ng aking buhay; at ako ay mananahanan sa tahanan ni Yahweh habang buhay!
Mga Awit 23:1–6Banal na Bibliya Tinawag niya ang Labindalawa at binigyan sila ng kapangyarihan at karapatan laban sa lahat ng mga demonyo at upang magpagaling ng mga sakit.
Lucas 9:1Banal na Bibliya Ipinadala niya ang kaniyang salita at pinagaling sila, at sinagip niya sila mula sa kanilang pagkawasak.
Mga Awit 107:20Banal na Bibliya Ibinabalik niya ang mga taong dinala sa ibang bayan. Pinalalakas niya ulit ang mga pinanghihinaan ng loob at pinagagaling ang kanilang mga sugat.
Mga Awit 147:3Banal na Bibliya Sapagkat magdadala ako ng kagalingan sa iyo, pagagalingin ko ang iyong mga sugat, ito ang pahayag ni Yahweh. Gagawin ko ito dahil tinawag ka nilang: Itinakwil. Walang nagmamalasakit sa Zion na ito.”'
Jeremias 30:17Banal na Bibliya ang mga kaganapan na ukol kay Jesus ng Nazaret, kung paano siya pinuspus ng Diyos ng Banal na Espiritu at ng kapangyarihan. Naglibot siya na gumagawa ng kabutihan at nagpapagaling ng mga pinahihirapan ng diyablo, sapagkat kasama niya ang Diyos.
Mga Gawa 10:38Banal na Bibliya Pumunta si Jesus sa lahat ng mga lungsod at mga nayon. Nagpatuloy siyang nagtuturo sa kanilang mga sinagoga, ipinangangaral ang mabuting balita ng kaharian, at pinapagaling niya ang lahat ng mga uri ng karamdaman at ang lahat ng uri ng sakit.
Mateo 9:35Banal na Bibliya Kumalat ang balita tungkol sa kaniya sa buong Siria at dinala ng mga tao sa kaniya ang lahat ng mga may sakit, may iba't ibang uri ng karamdaman at sakit, ang mga sinaniban ng mga demonyo, lahat ng epileptiko at paralisado, pinagaling sila ni Jesus.
Mateo 4:24Banal na Bibliya
Mga karaniwang tanong
Anong Bible verse ang babasahin para sa maysakit?
Sa 3 Juan 1:2, bumabati ang sumulat sa isang taong mahalaga sa kanya at ipinahahayag ang hangad na mabuti ang lagay nito. Angkop ito sa maikling pagdalaw kung nais mong iparamdam ang pag-aalala mo. Isama ang simpleng tanong kung ano ang kailangan niya ngayong araw.
Saan sinasabi sa Bibliya na maaaring ipanalangin ang may sakit?
Sa Santiago 5:14-15, iniugnay ang pagdalaw at panalangin ng mga nakatatanda sa pag-aalaga sa taong may sakit. Kung gusto ng maysakit na may makasamang manalangin, puwedeng gamitin ang sipi sa mismong pagbisita. Iayon ang haba ng pagbabasa at pag-uusap sa lakas ng taong dinadalaw.
May salmo ba para sa araw na mahina ang katawan ko?
Sa Mga Awit 41:3, ang larawan ay isang taong nakaratay at inaalalayan ng Diyos. Maikli itong basahin kahit mabilis kang mapagod. Puwede mong pakinggan ito sa taong kasama mo at pagkatapos ay magpahinga o sabihin kung may kailangan kang ipakuha o ipaaasikaso sa kanya.
