Mga talata sa Bibliya tungkol sa mga lalaki
Kung ikaw ang madalas inaasahang may sagot, mahirap minsan sabihin na kailangan mo ng payo o pahinga. May mga lalaking sa trabaho lang nakakapagkuwento at may iba na mas bukas sa usapan kapag may kasabay na gawain. Sa mga babasahin dito, may mga paalala tungkol sa katatagan, pagpipigil sa sarili at pagkakaibigang nakatutulong sa paghubog ng ugali. Maaari mong gamitin ang mga ito sa tahimik na pagbabasa o bilang simula ng usapan sa taong komportable kang makasama.
Banal na BibliyaCC BY-SA 4.0Tagalog Unlocked Literal Bible © 2018 Door43 World Missions Community. La redistribución de este corpus conserva la licencia CC BY-SA 4.0.
Maging mapagmatiyag, at maging matatag sa pananampalataya, kumilos gaya ng mga lalaki, maging malakas.
1 Corinto 16:13Banal na Bibliya Bakal ang nagpapatalas sa bakal; gaya ng parehong paraan, ang isang tao ay nagpapatalas sa kaniyang kaibigan.
Mga Kawikaan 27:17Banal na Bibliya Ang mga nakatatandang lalake ay dapat maging mahinahon, marangal, matino, nasa tamang pananampalataya, sa pag-ibig, at sa katiyagaan.
Tito 2:2Banal na Bibliya Ngunit ikaw, na lingkod ng Diyos, layuan mo ang mga bagay na ito. Sikapin mo ang katuwiran, pagiging maka-diyos, katapatan, pag-ibig, pagtitiis, at kahinahunan,
1 Timoteo 6:11Banal na Bibliya Kaya hindi kami nasiraan ng loob. Kahit na pinanghihinaan kami sa aming panlabas na katawan, patuloy na pinalalakas ang amig kalooban sa araw-araw.
2 Corinto 4:16Banal na Bibliya Hindi ba iniutos ko sa iyo? Maging malakas at matapang! Huwag matakot. Huwag matakot. Kasama mo si Yahweh na iyong Diyos saan ka man pupunta.”
Josue 1:9Banal na Bibliya Nilikha ng Diyos ang tao ayon sa kanyang sariling wangis. Ayon sa kanyang wangis nilikha niya siya. Lalaki at babae nilikha niya sila.
Genesis 1:27Banal na Bibliya Ito ang kapahayagan ni Jesu-Cristo na ibinigay sa kaniya ng Diyos para ipakita sa kaniyang mga lingkod ang mga bagay na malapit nang maganap. Ipinaalam niya ito sa pamamagitan ng pagpapadala ng kaniyang anghel sa kaniyang lingkod na si Juan.
Pahayag 1:1Banal na Bibliya Si Yahweh ay kasama ko; hindi ako matatakot; anong magagawa ng tao sa akin?
Mga Awit 118:6Banal na Bibliya Mga asawang lalaki ibigin ninyo ang inyong mga asawa katulad din ng pagmamahal ni Cristo sa Iglesia at ibinigay ang kaniyang sarili sa kanya. Ginawa niya ito upang gawin siyang banal. Nilinis niya ito sa pamamagitan ng paghugas ng tubig sa salita. Ginawa niya ito upang maiharap sa kaniya ang isang maluwalhati na Iglesia na walang dungis o kulubot o ano mang katulad nito, ngunit sa halip banal at walang kamalian. Gayon din naman, ang mga asawang lalaki ay kailangang mahalin ang kanilang sariling asawa katulad ng sarili nilang katawan. Ang nagmamahal sa kaniyang sariling asawa ay nagmamahal din sa Kaniyang sarili. Walang tao ang nagagalit sa kaniyang sariling katawan. Sa halip, inaalagaan niya ito at minamahal katulad ng pagmamahal ni Cristo sa iglesia. Sapagkat tayo ay mga bahagi ng kaniyang katawan. Dahil dito iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ina at makikiisa sa kaniyang asawa at ang dalawa ay magiging isang laman.” Ito ay nakatagong dakilang katotohanan, subalit ako ay nagsasalita patungkol kay Cristo at sa iglesia. Gayon pa man, ang bawat isa sa inyo ay kinakailangang mahalin ang kaniyang sariling asawa tulad ng kaniyang sarili, at ang asawang babae ay kinakailangang igalang ang kaniyang asawa.
Efeso 5:25–33Banal na Bibliya Sinabi niya sa inyo, tao, kung ano ang mabuti at kung ano ang nais ni Yahweh mula sa iyo: Kumilos ng makatarungan, umibig na may kabaitan at lumakad na may pagpapakumbaba kasama ang inyong Diyos.
Mikas 6:8Banal na Bibliya Paano pananatilihing dalisay ng isang kabataan ang kaniyang landas? Sa pamamagitan ng pagsunod sa iyong salita.
Mga Awit 119:9Banal na Bibliya Ang isang mabait na tao ay makikinabang sa kanyang sarili, pero ang isang taong malupit ay sinasaktan ang kaniyang sarili.
Mga Kawikaan 11:17Banal na Bibliya Sapagkat ang pagsasanay ng katawan ay may kaunting pakinabang, ngunit ang pagiging maka-diyos ay mapapakinabangan sa lahat ng bagay. Ito ay may pinanghahawakang pangako ngayon at sa buhay na darating.
1 Timoteo 4:8Banal na Bibliya Dahil labis na inibig ng Diyos ang sangkatauhan, ibinigay niya ang kaniyang natatangi at nag-iisang Anak upang ang sinumang manalig sa kaniya ay hindi mamatay ngunit magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Dahil hindi isinugo ng Diyos ang kaniyang Anak sa mundo para parusahan ang sangkatauhan, ngunit para ang mundo ay marapat na maligtas sa pamamagitan niya.
Juan 3:16–17Banal na Bibliya Sa parehong paraan, himukin ninyo ang mga nakababatang lalake upang maging matino.
Tito 2:6Banal na Bibliya Purihin si Yahweh. Mapalad ang tao na sumusunod kay Yahweh, na siyang labis na nagagalak sa kaniyang mga kautusan.
Mga Awit 112:1Banal na Bibliya Kaya nga, aking mga minamahal na kapatid, maging matatag kayo at huwag patitinag. Lagi kayong managana sa gawain ng Panginoon, dahil alam ninyong ang inyong gawain sa Panginoon ay hindi mawawalan ng kabuluhan.
1 Corinto 15:58Banal na Bibliya Dahil ang salita ng Diyos ay buhay, mabisa at mas matalim pa kaysa sa espada na may dalawang talim. Tumatagos ito kahit na sa paghahati ng kaluluwa mula sa espiritu, at sa kasu-kasuan mula sa utak ng buto. May kakayahan itong makunawa sa mga isip at mga layunin ng puso.
Mga Hebreo 4:12Banal na Bibliya Walang tukso ang dumating sa inyo na hindi pangkaraniwan sa lahat ng tao. Sa halip, tapat ang Diyos. Hindi kayo hahayaan ng Diyos na matukso ng higit sa inyong kakayanan. Sa pamamagitan ng tukso ay siya din ang magbibigay ng paraan para makatakas, upang inyo ngang makayanan ang mga ito.
1 Corinto 10:13Banal na Bibliya Gayon din, kayong mga nakababatang kalalakihan, magpasakop kayo sa mga nakatatandang kalalakihan. Kayong lahat, damitan ninyo ang inyong sarili ng kababaang-loob at maglingkod kayo sa isa't isa sapagkat pinipigilan ng Diyos ang mga mapagmataas, pero binibigyan niya ng biyaya ang mga mapagpakumbaba.
1 Pedro 5:5Banal na Bibliya Kaya ihayag ninyo ang inyong mga kasalanan sa bawat isa at ipanalangin ang bawat isa upang kayo ay mapagaling. Ang panalangin ng matuwid ay magdudulot ng malaking bunga.
Santiago 5:16Banal na Bibliya Kaya isaalang-alang natin kung paano pasisiglahin ang isa't- isa sa pag-ibig at sa mga mabubuting gawa. Huwag tayong tumigil sa pagtitipon-tipon ng magkakasama, katulad ng ginawa ng ilan. Sa halip, palakasin pa natin ng higit ang isa't isa, ngayong nakikita ninyo na nalalapit na ang araw.
Mga Hebreo 10:24–25Banal na Bibliya Pero kung tayo ay umamin sa ating mga kasalanan, siya ay matapat at matuwid na patawarin tayo sa ating mga kasalanan at linisin tayo mula sa lahat ng kasamaan.
1 Juan 1:9Banal na Bibliya
Mga karaniwang tanong
Anong Bible verse ang tungkol sa lakas ng loob at katatagan?
Sa 1 Corinto 16:13, magkasamang binabanggit ang pagiging mapagbantay, matatag at matapang. Basahin ang pangungusap na kasunod upang makita kung anong ugali ang sumasabay sa tapang sa huling mga bilin. Kung may mahirap kang pag-uusap, maaari mong isipin kung paano magsasalita nang malinaw habang nakikinig sa sagot ng kausap mo.
Anong talata ang tungkol sa pagkakaibigan na nakatutulong sa pagbabago?
Sa Mga Kawikaan 27:17, ginagamit ang paghahasa ng bakal bilang larawan ng paghubog ng isang tao sa kapwa. Kung may kaibigan kang nagsasabi ng totoo nang may malasakit, magandang pagnilayan kung anong napansin niya na hindi mo nakita sa sarili. Maaari mo ring itanong kung anong suporta ang gusto niyang matanggap mula sa iyo.
Ano ang sabi ng Bibliya sa lalaking pagod na?
Sa 2 Corinto 4:16, pinag-uusapan ni Pablo ang panghihina ng katawan at ang panloob na pagbabago. Maaari itong basahin kasabay ng pagkilala sa tunay mong pagod. Kung matagal mo nang pasan ang isang gawain, itanong kung may bahagi na puwedeng ipasa at kung kanino ka maaaring magsabi kung ano ang kailangan mo.
