Mga talata sa Bibliya tungkol sa mga ina
May mga inang natatapos lang umupo kapag tulog na ang buong bahay. May iba ring malayo sa anak at kumukumusta sa dulo ng mahabang araw sa trabaho. Magkakaiba ang anyo ng pag-aaruga, at may mga bahagi nito na napapansin lamang kapag biglang may pumalit sa gawain. Sa pahinang ito, may mga larawan ng pagdamay, karunungan at pagpupunyagi na puwedeng basahin habang inaalala ang ina o taong tumayong ina para sa iyo, o habang inaalagaan mo mismo ang isang anak.
Banal na BibliyaCC BY-SA 4.0Tagalog Unlocked Literal Bible © 2018 Door43 World Missions Community. La redistribución de este corpus conserva la licencia CC BY-SA 4.0.
Ang kalakasan at karangalan ay suot niya, at sa oras na darating, siya ay tumatawa. Binubuksan niya ang kaniyang bibig ng may karunungan, at nasa kaniyang dila ang batas ng kabaitan. Binabantayan niya ang pamamaraan ng kaniyang sambahayan at hindi kumakain ng tinapay ng pagkabatugan. Ang kaniyang mga anak ay babangon at tinatawag siyang pinagpala; ang kaniyang asawang lalaki ay pupurihin na nagsasabing, “Maraming mga babae ang gumawa ng mabuti, ngunit hinihigitan mo silang lahat.” Ang pagiging elegante ay mapanlinlang, ang kagandahan ay walang kabuluhan, pero ang babaeng may takot kay Yahweh ay mapapapurihan.
Mga Kawikaan 31:25–30Banal na Bibliya Turuan ang isang bata sa daan kung saan siya nararapat pumunta, at kapag siya ay matanda na hindi siya tatalikod mula sa bilin na iyon.
Mga Kawikaan 22:6Banal na Bibliya Gaya ng pag-aaliw ng isang ina sa kanyang anak, gayun din aaliwin ko kayo, at kayo ay aaliwin sa Jerusalem.
Isaias 66:13Banal na Bibliya Igalang ninyo ang inyong ama at inyong ina, para maaari kang manirahanng mahabang panahon sa lupain na ibibigay ko sa inyo Ako, si Yahweh, ang inyong Diyos.
Exodo 20:12Banal na Bibliya Masdan mo, ang mga bata ay isang pamana mula kay Yahweh at ang bunga ng sinapupunan ay isang gantimpala mula sa kaniya.
Mga Awit 127:3Banal na Bibliya “Makakalimutan ba ng isang babae ang kaniyang sanggol, na pinasususo sa kaniyang suso, kaya wala siyang habag sa kaniyang anak na ipinanganak? Oo, maaaring makalimutan nila, pero hindi kita makakalimutan.
Isaias 49:15Banal na Bibliya Ang pag-ibig ay mapagpasensya at magandang loob. Ang pag-ibig ay hindi naiinggit o nagyayabang. Hindi mapagmataas, o hindi marahas. Hindi makasarili, hindi madaling magalit, ni nagkikimkim ng bilang na mga kamalian. Hindi nagsasaya sa kalikuan. Sa halip, nagsasaya sa katotohanan. Ang pag-ibig ay kinakaya ang lahat ng mga bagay, pinaniniwalaan ang lahat, at nagtitiwala sa lahat ng mga bagay, at tinitiis ang lahat ng mga bagay.
1 Corinto 13:4–7Banal na Bibliya Napaalalahanan ako sa tapat mong pananampalataya na unang ipinamuhay ng iyong lola na si Loida at ng iyong ina na si Eunice. At natitiyak ko na ipinapamuhay mo rin ito.
2 Timoteo 1:5Banal na Bibliya Aking anak, pakinggan ang tagubilin ng iyong ama at huwag isang tabi ang mga utos ng iyong ina; ito ay magiging kaaya-ayang korona sa iyong ulo at mga palawit sa iyong leeg.
Mga Kawikaan 1:8–9Banal na Bibliya Aking anak na lalaki, sundin mo ang utos ng iyong ama, at huwag mong talikdan ang katuruan ng iyong ina.
Mga Kawikaan 6:20Banal na Bibliya Makinig sa iyong ama na nag-alaga sa iyo at huwag hamakin ang iyong ina kung matanda na siya. Bilhin ang katotohanan, ngunit huwag itong ipagbili; bilhin ang karunungan, disiplina at pang-unawa. Ang ama ng isang gumagawa ng matuwid ay labis na magagalak at siya na nag-alaga sa isang matalinong bata ay matutuwa sa kaniya. Hayaang matuwa ang iyong ama at ang iyong ina at hayaang magsaya ang siyang nagsilang sa iyo.
Mga Kawikaan 23:22–25Banal na Bibliya Ikaw ang humulma sa aking pagkatao; ikaw ang humulma sa akin sa sinapupunan ng aking ina.
Mga Awit 139:13Banal na Bibliya “Igalang mo ang inyong ama at ina” (na siyang unang kautusan na may pangako),
Efeso 6:2Banal na Bibliya Dapat gumalang ang bawat isa sa kanyang ina at kanyang ama, at dapat ninyong panatiliin ang araw ng aking pamamahinga. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
Levitico 19:3Banal na Bibliya Igalang ang inyong ama at inyong ina, ayon sa iniutos ni Yahweh na inyong Diyos na gawin ninyo, para mabuhay kayo ng mahabang panahon sa lupain na ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos, at para maging maayos ito para sa inyo.
Deuteronomio 5:16Banal na Bibliya Pagkatapos, siya ay sumama sa kanila pabalik sa kanilang tahanan sa Nazaret at naging masunurin sa kanila. Iningatan ng kaniyang ina ang lahat ng bagay na ito sa kaniyang puso.
Lucas 2:51Banal na Bibliya Pero sinabi ng ina ng bata, “Hanggang nabubuhay si Yahweh, at hanggang nabubuhay ka, hindi kita iiwan.” Kaya tumayo si Eliseo at sinundan siya.
2 Mga Hari 4:30Banal na Bibliya Binibigyan niya ng upuan ang babaeng baog na nasa bahay tulad ng isang masayahing ina ng mga anak. Purihin si Yahweh.
Mga Awit 113:9Banal na Bibliya Ang mga apo ay korona ng mga matatanda, at ang mga magulang ay nagbibigay dangal sa kanilang mga anak.
Mga Kawikaan 17:6Banal na Bibliya Sinabi ni Maria, “Ang kaluluwa ko ay nagpupuri sa Panginoon, at ang aking espiritu ay nagalak sa Diyos na aking tagapagligtas.” Sapagkat siya ay tumingin sa kababaan ng kaniyang lingkod na babae. Kaya tingnan mo, mula ngayon ang lahat ng salinlahi ay tatawagin akong pinagpala.
Lucas 1:46–48Banal na Bibliya Nang makita ni Jesus ang kaniyang ina at ang alagad na kaniyang minamahal na nakatayo sa malapit, sinabi ni Jesus sa kaniyang ina, “Babae, tingnan mo, narito ang iyong anak.” Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa alagad, “Tingnan mo, narito ang iyong ina!” Mula sa mga oras na iyon tinanggap na siya ng alagad na kabahagi ng sariling niyang tahanan.
Juan 19:26–27Banal na Bibliya Ang pamalo at pagsaway ay nagbibigay ng karunungan, pero ang isang batang malaya mula sa pagdidisiplina ay inilalagay ang kaniyang ina sa kahihiyan.
Mga Kawikaan 29:15Banal na Bibliya Higit sa lahat ng bagay, magkaroon kayo ng taimtim na pag-ibig para sa isa't isa, dahil ang pag-ibig ay hindi naghahangad na matuklasan ang mga kasalanan ng iba.
1 Pedro 4:8Banal na Bibliya Sa halip, gawin niyo ito sa pamamagitan ng panloob na pagkatao na nasa puso, at nang walang kupas na kagandahan ng isang mahinahon at mapayapang espiritu na natatangi sa paningin ng Diyos.
1 Pedro 3:4Banal na Bibliya Tinawag ng lalaki ang kanyang asawa sa pangalang Eva dahil siya ang ina ng lahat ng mga nabubuhay.
Genesis 3:20Banal na Bibliya
Mga karaniwang tanong
Anong Bible verse ang gumagamit ng larawan ng pag-aliw ng isang ina?
Sa Isaias 66:13, ang pag-aliw ng ina ay larawan ng ginhawang ipinahahayag sa bayan. Kung binabasa mo ito sa isang araw na nangungulila, maaari mong alalahanin ang isang kilos na nagbigay sa iyo ng ginhawa. Puwede rin itong maging simula ng panalangin para sa taong nangangailangan ng ganoong pagdamay.
Saan mababasa ang tungkol sa lakas at karunungan ng isang ina?
Ang babaeng inilalarawan sa Mga Kawikaan 31:25-30 ay may lakas at karunungang makikita sa kaniyang pananalita at gawain. Puwede mong pagnilayan ang isang katangiang nakita mo sa isang taong nag-alaga sa iyo. Kapag kasama mo siya, baka gusto mong magtanong kung saan niya natutuhan ang gawi na iyon.
Paano pagnilayan ang paggalang kung mahirap ang ugnayan ko sa aking ina?
Ang paggalang sa magulang sa Exodo 20:12 ay maaaring pagnilayan kasabay ng pagtingin sa tunay na kalagayan ng inyong relasyon. Kung mahirap makipag-usap, puwede mong piliin ang ligtas na paraan at oras. May halaga ang mahinahong salita at malinaw na hangganan, lalo na kapag mabigat ang kasaysayan ninyo.
