Tagalog
Menu

Ang 10 talatang may pinakamaraming boto sa paksang “takot”

Nangunguna ang Isaias 41:10 sa paksang “takot” dahil nakakuha ito ng 2,443 pampublikong boto sa OpenBible.info. Nasa talahanayan ang 10 siping may pinakamaraming boto para sa orihinal na hinanap na paksa. Makikita sa bawat hanay ang sanggunian sa Bibliya, ang teksto mula sa tinukoy na edisyon, at ang kabuuang boto.

I-download ang CSV

Batay ang ranggo sa 34,807 pampublikong botong pabor sa OpenBible.info para sa “fear”. Sinangguni ito noong 2026-11-27 (file na may petsang 2026-11-23). Inayos ang mga wastong sanggunian ayon sa dami ng boto at kinuha ang teksto sa aming koleksiyon.

OpenBible.info Topical Bible

Banal na BibliyaCC BY-SA 4.0Tagalog Unlocked Literal Bible © 2018 Door43 World Missions Community. La redistribución de este corpus conserva la licencia CC BY-SA 4.0.

Ang 10 talatang may pinakamaraming boto sa paksang “takot”
RanggoSanggunianTekstoMga boto
1Isaias 41:10Huwag kang matakot, sapagkat ako ay kasama mo. Huwag kang mabalisa, sapagkat ako ang iyong Diyos. Pagtitibayin kita, at tutulungan kita, at aalalayan kita sa pamamagitan ng aking kanang kamay ng aking marapat na tagumpay.2,443
22 Timoteo 1:7Sapagkat hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng pagkatakot, kundi ng kapangyarihan, pag-ibig at disiplina.2,228
31 Juan 4:18Walang anumang takot sa pag-ibig. Pero ang pag-ibig na lubos ay inaalis ang takot, dahil ang takot ay may kinalaman sa kaparusahan. Pero kung sinuman ang siyang natatakot ay hindi nagawang lubos sa pag-ibig.1,600
4Mga Awit 34:4Hinanap ko si Yahweh, at tumugon siya, at sa lahat ng mga takot ko tagumpay ang ibinigay niya.1,474
5Josue 1:9Hindi ba iniutos ko sa iyo? Maging malakas at matapang! Huwag matakot. Huwag matakot. Kasama mo si Yahweh na iyong Diyos saan ka man pupunta.”1,225
6Mga Kawikaan 29:25Ang takot ng tao ay gumagawa ng isang bitag, ngunit ang taong nagtitiwala kay Yahweh ay mapapangalagaan.1,126
7Mga Awit 23:1–6Si Yahweh ang aking pastol; hindi ako magkukulang. Pinahihiga niya ako sa luntiang mga pastulan; inaakay niya ako sa tabi ng payapang tubigan. Binabalik niya ang aking buhay; ginagabayan niya ako sa tamang landas alang-alang sa kaniyang pangalan. Kahit na lumakad ako sa gitna ng napakadilim na anino ng lambak, hindi ko katatakutan ang kapahamakan dahil ikaw ang kasama ko; ang iyong pamalo at iyong tungkod ang nagpapayapa sa akin. Ipinaghahanda mo ako ng isang hapag sa harapan ng aking mga kaaway; binuhusan mo ng langis ang aking ulo; ang saro ko ay nag-uumapaw. Tiyak na kabutihan at katapatan sa tipan ang hahabol sa akin sa lahat ng mga araw ng aking buhay; at ako ay mananahanan sa tahanan ni Yahweh habang buhay!986
8Mga Awit 56:3–4Kapag ako ay natatakot, magtitiwala ako sa iyo. Sa Diyos, na ang salita ay aking pinupuri - sa Diyos ako nagtitiwala; hindi ako matatakot; ano ang magagawa sa akin ng mga pawang tao lamang?931
9Filipos 4:6Huwag mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hayaan ninyong malaman ng Panginoon ang inyong mga kahilingan sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.844
10Deuteronomio 31:6Magpakatatag at magpakatapang, huwag matakot, at huwag matakot sa kanila; sapagkat si Yahweh na inyong Diyos, ang siyang sasama sa inyo; hindi niya kayo bibiguin ni pababayaan.”792