Ang 10 talatang may pinakamaraming boto sa paksang “paggaling”
Nangunguna ang Jeremias 17:14 sa paksang “paggaling” dahil nakakuha ito ng 4,081 pampublikong boto sa OpenBible.info. Nasa talahanayan ang 10 siping may pinakamaraming boto para sa orihinal na hinanap na paksa. Makikita sa bawat hanay ang sanggunian sa Bibliya, ang teksto mula sa tinukoy na edisyon, at ang kabuuang boto.
I-download ang CSVBatay ang ranggo sa 113,831 pampublikong botong pabor sa OpenBible.info para sa “healing”. Sinangguni ito noong 2026-11-27 (file na may petsang 2026-11-23). Inayos ang mga wastong sanggunian ayon sa dami ng boto at kinuha ang teksto sa aming koleksiyon.
OpenBible.info Topical BibleBanal na BibliyaCC BY-SA 4.0Tagalog Unlocked Literal Bible © 2018 Door43 World Missions Community. La redistribución de este corpus conserva la licencia CC BY-SA 4.0.
| Ranggo | Sanggunian | Teksto | Mga boto |
|---|---|---|---|
| 1 | Jeremias 17:14 | Pagalingin mo ako, Yahweh, at ako ay gagaling! Iligtas mo ako, at ako ay maliligtas. Sapagkat ikaw ang aking awit ng papuri. | 4,081 |
| 2 | 1 Pedro 2:24 | Siya mismo ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa puno, upang hindi na tayo magkaroon ng bahagi sa kasalanan, at upang makapamuhay tayo para sa katuwiran. Sa pamamagitan ng kanyang mga sugat kayo ay gumaling. | 3,561 |
| 3 | Isaias 41:10 | Huwag kang matakot, sapagkat ako ay kasama mo. Huwag kang mabalisa, sapagkat ako ang iyong Diyos. Pagtitibayin kita, at tutulungan kita, at aalalayan kita sa pamamagitan ng aking kanang kamay ng aking marapat na tagumpay. | 3,401 |
| 4 | Isaias 53:5 | Pero sinaksak siya dahil sa ating mga ginawang paghihimagsik; nadurog siya dahil sa ating mga kasalanan. Ang kaparusahan para sa ating kapayapaan ay nasa kanya, at pinagaling niya tayo sa pamamagitan ng kanyang mga sugat. | 3,162 |
| 5 | Jeremias 33:6 | Ngunit tingnan mo, magdadala ako ng kagalingan at isang lunas, sapagkat pagagalingin ko sila at magdadala ako sa kanila ng kasaganaan, kapayapaan at katapatan. | 3,155 |
| 6 | Mga Awit 147:3 | Ibinabalik niya ang mga taong dinala sa ibang bayan. Pinalalakas niya ulit ang mga pinanghihinaan ng loob at pinagagaling ang kanilang mga sugat. | 2,930 |
| 7 | Mga Awit 41:3 | Si Yahweh ang aalalay sa kaniya sa higaan ng paghihirap; gagawin mong higaan ng kagalingan ang kaniyang higaan ng karamdaman. | 2,780 |
| 8 | Mga Awit 103:2–4 | Binibigyang papuri ko si Yahweh ng buong buhay ko, at naaalala ko ang lahat ng kanyang mga mabubuting gawa. Pinapatawad niya lahat ng inyong mga kasalanan; pinapagaling niya lahat ng inyong mga sakit. Tinutubos niya ang inyong buhay mula sa pagkawasak; kinokoronahan niya kayo ng kanyang katapatan sa tipan at mga gawain ng pagkahabag. | 2,329 |
| 9 | Mga Kawikaan 17:22 | Ang isang masayahing puso ay mainam na gamot, pero ang mabigat na kalooban ay nakakatuyo ng mga buto. | 2,313 |
| 10 | Santiago 5:15 | at ang panalangin ng may pananampalataya ang magpapagaling sa taong may sakit, at ang Panginoon ang magtataas sa kaniya. Kung nakagawa siya ng kasalanan, patatawarin siya ng Diyos. | 2,241 |
