Tagalog
Menu

Mga Awit 34

Banal na Bibliya · CC BY-SA 4.0 Tagalog Unlocked Literal Bible © 2018 Door43 World Missions Community. La redistribución de este corpus conserva la licencia CC BY-SA 4.0.

  1. 1

    Pupurihin ko si Yahweh sa lahat ng oras; ang kaniyang kapurihan ay laging mamumutawi sa aking bibig.

    Mga kaugnay na paksa · Pagpupuri
  2. 2

    Pupurihin ko si Yahweh; nawa marinig ito ng api at sila ay matuwa.

  3. 3

    Purihin natin si Yahweh; sama-sama nating itaas ang kaniyang pangalan.

  4. 4

    Hinanap ko si Yahweh, at tumugon siya, at sa lahat ng mga takot ko tagumpay ang ibinigay niya.

    Mga kaugnay na paksa · Pag-aalala, Takot, Pampalakas ng loob
  5. 5

    Nagniningning ang mga tumitingin sa kaniya, at ang kanilang mga mukha ay hindi nahihiya.

    Mga kaugnay na paksa · Umaga
  6. 6

    Ang inapi ay umiyak, at narinig siya ni Yahweh at niligtas mula sa lahat ng kaniyang mga kaguluhan.

  7. 7

    Ang anghel ni Yahweh ay nagkakampo sa paligid ng may mga takot sa kaniya, at sila ay nililigtas niya.

    Mga kaugnay na paksa · Pag-iingat
  8. 8

    Tikman at masdan na si Yahweh ay mabuti; mapalad ang taong kumukubli sa kaniya.

    Mga kaugnay na paksa · Pamamahinga, Mga pagpapala
  9. 9

    Katakutan ninyo si Yahweh, kayo na kaniyang banal na bayan; hindi nagkukulang ang mga may takot sa kaniya.

  10. 10

    Ang batang leon minsan ay nagkukulang sa pagkain at nagugutom; pero ang mga humahanap kay Yahweh ay hindi magkukukulang ng anumang bagay na mabuti.

    Mga kaugnay na paksa · Pagtugon sa pangangailangan
  11. 11

    Halikayo, mga bata, makinig kayo sa akin; ituturo ko sa inyo ang takot kay Yahweh.

  12. 12

    Sinong naghahangad ng buhay at naghahangad ng mahabang panahon na mabuhay at magkaroon ng magandang buhay?

  13. 13

    Kung ganoon, lumayo kayo sa pagsasabi ng masama, at ilayo ang inyong mga labi sa pagsasabi ng mga kasinungalingan.

    Mga kaugnay na paksa · Tsismis
  14. 14

    Tumalikod kayo sa kasamaan at gumawa ng mabuti; hangarin ninyo ang kapayapaan at ito ay palaganapin.

    Mga kaugnay na paksa · Kapayapaan
  15. 15

    Ang mga mata ni Yahweh ay nasa mga matutuwid, at sa kanilang mga iyak nakatuon ang kaniyang pandinig.

    Mga kaugnay na paksa · Pakikinig
  16. 16

    Si Yahweh ay laban sa mga gumagawa ng masama, para burahin ang kanilang alala sa mundo.

  17. 17

    Ang mga matutuwid ay umiiyak, at naririnig ito ni Yahweh at mula sa lahat ng kanilang mga kaguluhan, nililigtas sila.

  18. 18

    Si Yahweh ay malapit sa mga wasak ang puso, at inililigtas niya ang mga nadurog ang espiritu.

    Kahulugan
  19. 19

    Maraming mga problema ang mga matutuwid, pero sa lahat ng iyon si Yahweh ang nagbibigay ng tagumpay.

    Mga kaugnay na paksa · Pagdurusa, Kalayaan
  20. 20

    Iniingatan niya ang lahat ng kaniyang mga buto; ni isa sa kanila ay walang masisira.

  21. 21

    Papatayin ng masama ang makasalanan; ang mga galit sa matutuwid ay mahahatulan.

  22. 22

    Ang mga kaluluwa ng kaniyang mga lingkod ay tinutubos ni Yahweh; walang mahahatulan sa mga kumukubli sa kaniya.