Mga Awit 121
Banal na Bibliya · CC BY-SA 4.0 Tagalog Unlocked Literal Bible © 2018 Door43 World Missions Community. La redistribución de este corpus conserva la licencia CC BY-SA 4.0.
-
1
Itataas ko ang aking mga mata sa mga bundok. Mula saan manggagaling ang aking saklolo?
Mga kaugnay na paksa · Bagong simula -
2
Ang saklolo sa akin ay nanggagaling kay Yahweh, na gumawa ng langit at lupa.
Mga kaugnay na paksa · Bagong simula -
3
Hindi niya papayagang madulas ang paa mo; siya na nag-iingat sa iyo ay hindi iidlip.
Mga kaugnay na paksa · Mahimbing na tulog, Bagong simula -
4
Tingnan mo, ang tagapangalaga ng Israel ay hindi kailanman iidlip o matutulog.
Mga kaugnay na paksa · Mahimbing na tulog, Bagong simula -
5
Tagapangalaga ninyo si Yahweh; si Yahweh ay lilim sa inyong kanang kamay.
Mga kaugnay na paksa · Bagong simula - 6
-
7
Iingatan ka ni Yahweh sa lahat ng kapahamakan, at iingatan niya ang iyong buhay.
Mga kaugnay na paksa · Bagong simula, Pag-iingat -
8
Iingatan ni Yahweh ang lahat ng iyong ginagawa ngayon at magpakailanman.
