Tagalog
Menu

Isaias 12

Banal na Bibliya · CC BY-SA 4.0 Tagalog Unlocked Literal Bible © 2018 Door43 World Missions Community. La redistribución de este corpus conserva la licencia CC BY-SA 4.0.

  1. 1

    Sa araw na iyon, sasabihin ninyo, “Magbibigay kami ng papasalamat sa iyo, Yahweh. Kahit na galit ka sa amin, nawala na ang iyong poot, at inaliw mo kami.

    Mga kaugnay na paksa · Kaaliwan
  2. 2

    Tingnan ninyo, ang Diyos ang aming kaligtasan; magtitiwala kami at hindi matatakot, dahil si Yahweh, oo, si Yahweh ang aming kalakasan at awitin. Siya ang aming naging kaligtasan.”

    Mga kaugnay na paksa · Lakas ng loob
  3. 3

    Masaya kayong kukuha ng tubig mula sa mga balon ng kaligtasan.

  4. 4

    Sa araw na iyon, inyong sasabihin, “Magbigay ng pasasalamat kay Yahweh at tumawag sa kaniyang pangalan; sabihin ang kaniyang mga ginawa sa kalagitnaan ng mga tao, ihayag ang dakila niyang pangalan.

    Mga kaugnay na paksa · Pagbabahagi ng Mabuting Balita
  5. 5

    Umawit kay Yahweh, dahil gumawa siya ng mga dakilang bagay; ipaalam ito sa buong mundo.

    Mga kaugnay na paksa · Pagsamba, Pambungad sa pagsamba
  6. 6

    Umiyak nang malakas at sumigaw sa tuwa, kayong mga naninirahan sa Sion, dahil nasa inyong kalagitnaan ang Banal na Diyos ng Israel.”