Tagalog
Menu

1 Timoteo 3

Banal na Bibliya · CC BY-SA 4.0 Tagalog Unlocked Literal Bible © 2018 Door43 World Missions Community. La redistribución de este corpus conserva la licencia CC BY-SA 4.0.

  1. 1

    Ang pahayag na ito ay mapagkakatiwalaan: Kung sinuman ang nagnanais na maging tagapangasiwa, nagnanais siya ng mabuting gawa.

    Mga kaugnay na paksa · Pamumuno sa simbahan, Pamumuno
  2. 2

    Kaya ang tagapangasiwa ay dapat walang kapintasan. Dapat maging asawa siya ng isang babae. Dapat siya ay mahinahon, matalino, matino, at magiliw sa mga panauhin. Dapat may kakayahan siyang magturo.

    Mga kaugnay na paksa · Pamumuno sa simbahan, Pamumuno
  3. 3

    Dapat hindi sugapa sa alak, hindi marahas, kundi marahan, payapa. Hindi maibigin sa pera.

    Mga kaugnay na paksa · Pamumuno
  4. 4

    Kailangang maayos niyang pinamamahalaan ang kaniyang sambahayan, at kailangang sinusunod siya ng kaniyang mga anak nang may buong paggalang.

    Mga kaugnay na paksa · Pamilya, Pagpapalaki ng anak, Pamumuno
  5. 5

    Sapagkat kung ang lalaki ay hindi alam kung paano niya pamahalaan ang kaniyang sariling sambahayan, paano niya mapangangalagaan ang iglesiya ng Diyos?

    Mga kaugnay na paksa · Pamilya, Pamumuno
  6. 6

    Dapat hindi siya baguhang mananampalataya, upang hindi siya maging mapagmataas at mahulog sa paghahatol kagaya ng diyablo.

    Mga kaugnay na paksa · Pamumuno
  7. 7

    Kailangang mabuti rin ang kaniyang reputasyon sa mga nasa labas, upang hindi siya mahulog sa kahihiyan at sa bitag ng diyablo.

    Mga kaugnay na paksa · Pamumuno
  8. 8

    Gayon din, dapat marangal ang mga diakono, hindi dalawa ang salita. Dapat hindi sila umiinom ng sobrang alak o maging sakim.

    Mga kaugnay na paksa · Pamumuno sa simbahan
  9. 9

    Dapat nilang ingatan ang naipahayag na katotohanan ng pananampalataya na may malinis na budhi.

    Mga kaugnay na paksa · Pamumuno sa simbahan
  10. 10

    Dapat mapatunayan muna silang karapat-dapat, pagkatapos dapat silang maglingkod dahil sila ay walang sala.

    Mga kaugnay na paksa · Pamumuno sa simbahan
  11. 11

    Gayun din ang mga babae, dapat maging marangal. Dapat hindi sila mapanirang-puri. Dapat mahinahon at tapat sila sa lahat ng bagay.

    Mga kaugnay na paksa · Pamumuno sa simbahan, Mga babae
  12. 12

    Ang mga diakono ay dapat maging mga asawa ng isang babae. Dapat mahusay nilang pinamamahalaan ang kanilang mga anak at sambahayan.

    Mga kaugnay na paksa · Pamumuno sa simbahan
  13. 13

    Para sa mga naglingkod ng mahusay ay nakamit na nila para sa kanilang sarili ang mabuting katayuan at malaking tiwala sa pananampalataya na nakay Cristo Jesus.

    Mga kaugnay na paksa · Pamumuno sa simbahan
  14. 14

    Sinusulat ko ang mga bagay na ito sa iyo, at umaasa akong makapunta sa iyo sa lalong madaling panahon.

  15. 15

    Ngunit kung maaantala ako, sumusulat ako upang iyong malaman kung paano kumilos ng wasto sa sambahayan ng Diyos, na siyang iglesiya ng buhay na Diyos, ang haligi at saligan ng katotohanan.

    Mga kaugnay na paksa · Simbahan
  16. 16

    At hindi maikakaila na ang katotohanang inihayag ng pagkamaka-diyos ay dakila: “Nagpakita siya sa laman, pinatunayang matuwid ng Espiritu, nakita ng mga anghel, ipinahayag sa mga bansa, pinaniwalaan sa mundo, at itinaas sa kaluwalhatian.”